1 Patay, 4 huli sa CIDG Sacleo ops sa Lanao del Sur

22

Patay ang isang katao sa naganap na sagupaan sa pagitan ng kapulisan at ng isang Most Wanted Persons at mga kasamahan nito kamakailan sa Bgy. Barurao, Balabagan, Lanao del Sur.
Kinilala ang nasawi na si Sarao Mangadang. At arestado ang mga kasamahan nito na sina Nasser Tampogao, Jover Mangadang, Johari Ambang at Acrodin Mangadang habang nakatakas naman si Orak Mangadang.
Sa report, bilang bahagi ng ‘Simultaneous Anti- Criminality  Law Enforcement Operation’ ( SACLEO), ihahain na ng detectives ng CIDG ang Warrant of Arrest kontra sa Most Wanted Person ng Balabagan na nauwi sa resistance mula sa suspek.
Sa report, inisyu ang naturang WOA ni Hon. Rasad Balindong, Presiding Judge ng 12th Judicial Region, Branch 12, Malabang, Lanao del Sur na ise-serve ng pinagsamang elemento ng CIDG BAR RFU, R11D PRO, BAR, RSOG, PNP SAF, RMFB14, MBLT-5 at Balabagan MPS laban sa murder suspect na si Mangadang.
Ayon sa ulat, sinampahan ang mga naaresto ng mga kasong violation of RA 10591( Comprehensive Firearms and Regulation Law) at multiple attempted murder ng CIDG BAR tungong inquest proceedings kontra respodents kay Atty. Fatima  Mohammadali sa Provincial Prosecutor’s Office, Hall of Justice, Bangon, Marawi City, Lanao del Sur (Pebrero 19,2021).
Patunay lang ayon kay CIDG Acting Director PBGen. Albert Ignatius Ferro, na ang CIDG SACLEO na nasa kanyang timon walang puknat at episyente ang pagsugpo ng kriminalidad upang panagutin sa batas ang mga lawless elements sa estado. (DS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.