P11.9m ‘damo’ nasabat sa Mountain Province

28

NAHARANG ng mga otoridad ang halos 100 kilo ng pinatuyong dahon ng marijuana sa quarantine checkpoint sa Mountain Province noong Biyernes, Pebrero 19.
Ayon sa Bauko Municipal Police, pinara nila ang isang sasakyan para tingnan kung may dalang travel authority at medical certificate ang mga sakay nito.
Nang walang maipakita na anumang dokumento ang driver na si alyas “Rex”, 45, pinababa ito ng sasakyan.
Dito na nasilip ng mga awtoridad ang mga kahina-hinalang kargamento nito. Nang buksan ng mga awtoridad, bumulaga sa kanila ang marijuana bricks na nasa 100 kilo ang bigat at nakasilid sa 4 kahon at isang sako.
Aabot sa P11.88 million ang street value ng mga nasamsam na marijuana.

Leave A Reply

Your email address will not be published.