Advertisers
NAKAPAGTALA muli ng lagpas sa dalawang libo ang bagong mga kaso na naitala ng Department of Health (DOH) nitong Huwebes, Pebrero 25.
Sa pinakahuling update, nasa 2,269 ang bagong tinamaan ng sakit dahilan para umabot na sa 568,680 ang kabuuang bilang ng Covid-19 case.
Samantala ay mayroon namang naitalang 738 na gumaling at 72 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 5.7% (32,437) ang aktibong kaso, 92.2% (524,042) na ang gumaling, at 2.15% (12,201) ang namatay.
Sa mensahe ng DOH, sa paggunita ng People Power, sinabi na isabuhay ang ating karapatang maging malusog.
Ugaliin ang maalam na pagdedesisyon sa usapin ng kalusugan at laging sumunod sa mga hakbangin upang makaiwas sa sakit. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)