Advertisers

Advertisers

Legitimate children puwede nang gamitin ang apelyido ng ina

0 228

Advertisers

MAAARI nang gamitin ng mga legitimate children ang apelyido ng kanilang ina kung nanaisin nila na magpalit ng apelyido o last name.
Ito ay base sa desisyon ng Korte Suprema sa kaso ni Alanis vs Court of Appeals kung saan hiniling ng petitioner sa korte na payagan siyang gamitin ang apelyido ng kanyang ina na matagal ng hiwalay sa kanyang ama.
Ayon kay Associate Justice Marvic Leonen, ponente ng kaso, kinikilala ng Konstitusyon ang pagkapantay-pantay ng bawat kababaihan at kalalakihan.
Nagkamali umano ang Regional Trial Court sa desisyon na hindi maaring gamitin ng isang legitimate child ang apelyido ng kanyang ina, dahil labag ito sa prinsipyo na equality between men and women.
Kung dati ay tanging mga illegitimate children lang ang maaring gumamit ng apelyido ng kanyang ina, ngayon ay may karapatan ang isang tao na gamitin ang apelyido na kanyang nanaisin. (Jonah Mallari)