Advertisers

Advertisers

Higit 222-K healthcare workers target mabakunahan sa loob ng 2 linggo – Sec. Nograles

0 162

Advertisers

TARGET ng gobyerno ang mahigit 222,783 healthcare workers sa buong bansa na turukan COVID-19 vaccine sa susunod na dalawang linggo.
Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, aabot na sa kabuuang 1.1 million doses ng COVID-19 vaccines ang dumating sa Pilipinas. Sa naturang bilang, 600,000 doses ang Sinovac vaccines na donasyon ng Chinese government at 525,600 naman ang AstraZeneca vaccines mula sa World Health Organization-led COVAX facility.
Ngayong buwan, inaasahan na darating sa bansa ang 1 million pang Sinovac vaccine doses na binili naman ng national government. Nauna nang sinabi ni vaccine czar Carlito Glavez Jr. na target ng pamahalaan na mabakunahan kontra COVID-19 ang lahat ng mga healthcare workers sa bansa ngayong buwan ng Marso o Abril. (Josephine Patricio)