Advertisers
PINAGTIBAY ng House Special Committee on Senior Citizen ang resolusyon na humihimok sa DSWD na ipamahagi kada tatlong buwan ang monthly pension ng senior citizens.
Sa ilalim ng House Resolution 1047 na inihain ni Deputy Speaker Rufus Rodriguez, hinihikayat ang DSWD na kada tatlong buwan i-release ang P500 monthly social pension ng mga indigent senior citizen kumpara sa kasalukuyang polisiya na kada anim na buwan.
Diin ng mambabatas higit ngayong kailangan ng mahihirap na senior citizens ang ayudang pinansyal lalo at may ilan sa kanila na nagta-trabaho pa rin ang naapektuhan ang kabuhayan dahil sa COVID-19 pandemic.
Kasabay nito ay nanawagan si Rodriguez sa DSWD na pagtuunan ang pagsasayos ng kanilang mga talaan, upang matukoy ang wastong bilang ng mga mahihirap na senior citizen sa bansa. (Henry Padilla)