Advertisers

Advertisers

IATF babawiin ang pagluwag sa quarantine restrictions dahil sa pagsirit ng covid cases

0 246

Advertisers

NAKATAKDANG repasuhin ng Inter Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases ang ilang desisyon kaugnay sa mas maluwag na quarantine restrictions dahil sa tumataas na kaso ng covid 19.
Ayon kay testing czar Vince Dizon, kabilang sa rerebyuhin ng IATF ay ang desisyon na payagang muling buksan ang mga sinehan at arcades.
Pag-aaralan din ng IATF kung kailangang muling ipatupad ang ang paggamit ng quarantine pass para sa mga tao na lalabas ng kanilang mga bahay.
Gayunman,nilinaw ni Dizon na hindi naman ito.mauuwi sa pagbabalik ng enhanced community quarantine.
Maging ang protocol para sa mga loval tourists ay rerebyuhin ng IATF dahil isa ito sa mga nakikitang dahilan ng pagsipa ng covid cases. (Jonah Mallari)