Advertisers
MATATANGGAP na bukas ng mga low income families mula sa National Capital Region (NCR) Plus Bubble na apektado ng Enhanced Community ang isang libong ayuda.
Ayon kay Department of Interior and Local Government (DILG) Spokesman Jonathan Malaya, ngayong araw pa lang maibababa ang pondo sa mga local government units.
Dagdag pa ni Malaya, mas mabuti kung cash aid na lang sa halip na “in kind” ang ibigay sa mga beneficiaries upang mas mabilis itong makaabot sa mga nangangailangan.
Nauna nang sinabi ng Department of Budget and Management (DBM) na nasa 23 bilyong piso ang inilaan ng gobyerno para ibigay sa mga apektadong pamilya na sakop ng NCR Plus Bubble.
Diskresyon na rin umano ng LGUs kung cash o “in kind” ang ibibigay na ayuda at maari pa rin itong ipamigay kahit tapos na ang ECQ na magtatatapos sa Abril 11.
Magugunitang isinailalim sa ECQ ang NCR plus bubble na kinabibilangan ng Metro Manila, Cavite, Laguna, Bulacan at Rizal mula Marso 29 hanggang Abril subalit in-extend ito hanggang Abril 11 dahil sa mataas na kaso ng covid cases. (Jonah Mallari)