Advertisers

Advertisers

‘Household lockdowns,’ inirekomenda sa pamahalaan dahil sa pagsirit ng COVID cases

0 254

Advertisers

UMAPELA si Marikina Rep. Stella Quimbo sa pamahalaan na magpatupad ng “household lockdown” sa harap nang surge ng COVID-19 (Coronavirus Disease 2019) sa bansa.

Ayon sa ekonomistang kongresista, kailangan na magkaroon ng mas marami pang “localized lockdown” para mapigilan ang pagkalat pa lalo ng COVID-19.

Pahayag ni Quimbo, ang isang bahay na mayroong COVID positive patient ay kailangan na isailalim sa lockdown at lahat ng mga pangunahing pangangailangan ng mga nakatira rito ay dapat na maibigay sa kanila sa tulong na rin ng mga local government units.



Mahalaga rin aniyang mabigyan sila ng sapat na cash, at hindi lamang ng in-kind assistance, bukod pa sa sick leave para sa mga nagtatrabahong miyembro ng household.

Nitong Sabado, inanunsyo ng pamahalaan ang pagpapalawig ng isa pang linggo sa enhanced community quarantine (ECQ) status sa mga lugar na sakop ng NCR (National Capital Region) Plus dahil sa patuloy na pagtaas ng COVID cases sa bansa.



Iginiit ni Quimbo na mawawalang saysay ang pagpapalawig sa ECQ kung hindi naman babaguhin ng Department of Health ang approach nito sa pagresolba sa mga problemang hatid ng pandemya. (PFT Team)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">