Advertisers

Advertisers

Voter Registration sa NCR Bubble areas suspendido parin – Comelec

0 301

Advertisers

SUSPENDIDO pa rin ang voter registration sa NCR Plus areas matapos na i-extend ng pamahalaan ang ipinatutupad na enhanced community quarantine (ECQ) sa mga naturang lugar.

“Because of the ECQ extension: For NCR+ : #VoterRegistration is suspended #WalangRehistro,” ayon kay Commission on Elections (Comelec) Spokesperson James Jimenez, sa kanyang Twitter account.

Samantala, tuloy naman aniya ang voter registration sa mga lugar na nasa labas ng NCR Plus bubble at isasagawa ito mula 8:00AM hanggang 3:00PM mula Lunes hanggang Huwebes.



“For the rest of the country: #VoterRegistration is NOT suspended. Mon- Thur, 8AM-3PM,” aniya pa.

Matatandaang una nang sinuspinde ng Comelec ang voter registration sa NCR Plus areas, na kinabibilangan ng Metro Manila, Laguna, Cavite, Rizal at Bulacan, noong nakaraang linggo dahil sa umiiral na ECQ at Mahal na Araw.



Nagsimula ang pagpapairal ng ECQ noong Marso 29 at magtatapos sana hanggang kahapon, Abril 4.
Gayunman, dahil sa patuloy pa ring pagdami ng mga naitatalang kaso ng COVID-19 sa mga naturang lugar, ay inaprubahan ni Pang. Duterte ang rekomendasyon ng Department of Health (DOH) at ng OCTA Research Group na palawigin pa ito ng isa pang linggo o mula Abril 5 hanggang Abril 11. (Andi Garcia)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">