Advertisers
BUBUKSAN narin bukas ang isa pang mega quarantine facility na ni-reactivate ng Department of Health (DOH)dahil na rin sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga kaso sa Metro Manila.
Ayon sa DOH, ang Quezon Institute ay bubuksan muli at ito ay mayroong 112 beds.
Una nang sinabi ni Health Usec Maria Rosario Vergeire na ang nasabing pasilidad ay bubuksan para ma-decongest ang mga napupuno nang mga ospital sa Metro Manila.
“We are going to strategies these quarantine facilities para magamit ng ating mga ospital as step down facility,” anang opisyal.
Ayon pa kay Vergeire ang mga pasyente na pagaling na ay maari nang ilipat sa mega quarantine facility upang magamit ang ibang kama ng mga COVID-patient na kailangan ng admission.
Habang ang mga healthcare workers naman na tinamaan ng sakit na nanatili ring nagpapagaling sa ospital ay ililipat din sa mga hotels. (Jocelyn Domenden)