Advertisers

Advertisers

Sputnik V, Pfizer vaccine darating ngayong Abril — Sec. Galvez

0 189

Advertisers

INAASAHANG darating sa bansa ang COVID-19 vaccine na gawa ng Gamaleya Research Institute ng Russia na Sputnik V at ng Pfizer ngayong buwan ng Abril.

Sinabi ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr., nakatakdang dumating sa bansa ang paunang 15,000 dose ng Sputnik V sa Abril 25.

Sa Abril 29 naman inaasahang darating ang panibagong 480,000 doses ng Sputnik V, kasabay ang panibagong 500,000 doses ng Sinovac vaccine.



Samantala, posible namang lumapag din sa bansa ang 195,000 doses ng bakuna ng Pfizer mula sa COVAX facility sa katapusan ng Abril.

Dagdag pa ni Galvez, asahan na rin ang 1-milyon hanggang 2-milyon pang shots ng Sputnik V sa Mayo, at karagdagan pang 2-milyon sa Hunyo.



Umaasa rin ang vaccine czar na makatatanggap ang Pilipinas ng paunang 194,000 doses ng Moderna vaccine sa darating na buwan ng Mayo.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">