Abusadong tanod ng Bgy 347, Manila

65

Magandang hapon po. Report ko po itong tanod ng Brgy. 347 zone 35 na masyado po abusado, palagi pang lasing. Nung Martes ng hapon ay nagsisigaw, may inaaway yata, at pag kursunada ka mumurahin ka. May samurai pa. Dampot lang daw yan, dati nangangariton lang yan. Madalas pa yata magbato. ‘Di naman taga-riyan yan. Marami ng foul yan, makakasira sa brgy. mo yan, Che Abet Alonzo. Dapat dyan tanggalin na. Wala naman bahay yan. Sa eskinita tabi ng BDO natutulog yan, sa kariton. – Concern citizen

Parang ‘di na si Duterte ang
nagpapatakbo ng bansa
Gud pm. Mag-react lang ako sa butihin nating presidente ng Pilipinas na si Rodrigo Roa Duterte. Sa obserbasyon ko, parang hindi na siya ang nagpapatakbo ng bansa kundi ang mga alipores nya nakapaikot sa kanya. Yun lang po. – Concern citizen

Pagkonsinti ng konsehal sa lumalabag sa IATF protocols sa Pasay City
Gud pm po. Report ko po ang isang konsehal ng Pasay at dating kapitan ng Bgy 173 na nangungunsinti ng tambay sa kalsada, pag-iinom sa kalsada, at sa mga bukas na tindahan sa panahon ng pandemic. ‘Di marunong sumunod sa protocols ng IATF na binaba ng gobyerno natin. Dapat sa konsehal na ito makasuhan sa di pagtupad sa kanyang tungkulin. – Concern citizen lang po
(Editor: In fairness sa Konsehal, ang dapat magpatupad ng IATF protocols ay pulisya at barangay, ayon sa utos ng DILG)

Leave A Reply

Your email address will not be published.