Reaksyon laban kay DILG Usec. Malaya

46

Bigyan ko ng supalpal sinabi ni Malaya (DILG Usec) na dapat limitado lang sa isang barangay o komunidad ang Community Pantry, at hindi maaring dagsain ng ibang lugar. Hoy! putang ina…. ang gawin mo gumawa ng paraan para lahat ng barangay may CP para ‘di dumagsa ibang barangay. Halimbawa sa 10 barangays 3 lang diyan ang tumutulong. Paano naman ang 7 barangays na nganga lang? Sa pagtulong wala limitado, lahat pwdeng tulungan. Gago! Kayo mga nasa gobierno na talagang limitado bigayan ng ayuda di ba? Mas maraming ‘di nabigyan. Di pa ninyo pera ang ipinamimigay, pera rin ng mamamayan. ‘ Di tulad sa CP ambagan lang pero lahat nabibigyan. Kasi kayong mga walanghiya, walang konsesya at awa. Ang CP malawak ang pang-unawa at awa. Mahiya kayo. May namatay na isang senior sa ayuda ni Locsin (Angel) binabatikos na ninyo. E mas marami ngayon namamatay sa kagutuman at pagkakasakit dahil sa kapabayaan ninyo. Sa Vietnam naging maagap 278 lang naka covid walang namatay. – Juan po.

Doble dobleng pangalan sa listahan
ng ayuda sa DSWD
Direktor Dumlao (DSWD), hindi nyo po tsine-check ung listahan na ipinorward sa inyo ng Barangay 309 zone 30 jan sa District 3, Manila. Doble doble po ang pangalan at sa isang pamilya ay apat na pangalan po ang nakalagay. Ibig pong sabihin nun cla cla lang at ung mga qualified na tulad naming mga vendor na naapektuhan ng ECQ mula pa po nung unang tranch wala po talaga kami natanggap jan sa barangay namin. Puro kabulastugan po ang ginagawa ng mga yan. Paki-check nyo po ung listahan na ipi-nopost ni Mayor Isko para makita nyo na totoo ang cinasabi ko, Barangay 309, District 3, Manila. Makikita nyo ung listahan na cla cla lang ang gumawa. Salamat po kung maaaksiyunan nyo. Kawawa naman kaming mga qualfied pero hindi inilista. – Concerned citizen

Leave A Reply

Your email address will not be published.