Advertisers

Advertisers

Goma suportado ang pagkandidatong senador ng misis na si Lucy

0 281

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

AYON sa actor-politician na si Richard Gomez, suportado niya ang kanyang misis na si Lucy Torres sakaling maisipan nitong tumakbo bilang senador sa susunod na eleksyon.

Dagdag pa niya, dahil may napatunayan na sa serbisyo publiko, hindi raw niya isinasantabi ang posibilidad na maghain ng kandidatura para sa mas mataas na posisyon ang kanyang wifey.



Ito ay sinabi siya sa panayam sa kanya sa isang broadsheet.

Gayunpaman, pinag-iisipan pa lang nila ang tungkol dito at wala pa namang pinal na desisyon.



“Kung maganda ‘yung survey niya at susuportahan siya ng buong Region 8 o ng Visayan Region malaking bagay,” sabi pa nito.

Samantala, nang tanungin naman ang alkalde ng Ormoc City kung ito ba mismo ay may planong tumakbo sa mas mataas na posisyon, sinabi ni Goma na nais muna niyang mag-focus sa pagsisilbi sa constituents niya sa  Ormoc.



“For now it is not in my plans. Kailangan ko muna ayusin ‘tong Ormoc at ‘yung district namin so dito muna ako magfo-focus,” sagot nito.

Samantala, sa isang Facebook post tungkol sa pagtakbo niya, sinabi ni Congresswoman Lucy na tanging ang Panginoon lang ang may alam ng lahat.

“Only God knows, only time will tell … “For now, I have a job to do as Representative of the 4th District of Leyte,” sabi sa post.

Noong Pebrero sa isang report ng Rappler, kumalat ang balitang tatakbo na si Lucy sa pagka-senador sa susunod na eleksyon ngunit nilinaw nito na wala pa itong desisyon tungkol doon.

***

Senador Bong, Cong. Alfred, nagbigay ng ayuda sa entertainment press

Nagbigay ng paayuda sa entertainment press sina Senador Bong Revilla, Quezon City Congressman Alfred Vargas, Quezon City Councilor PM Vargas at Beautéderm CEO Rei Anicoche Tan sa pamamagitan ng showbiz press community pantry na inorganisa nina Manay Lolit Solis, ‘Nay Cristy Fermin, Jun Nardo, Salve Asis at Sol Gorgonio Rula kamakailan.

Sina Bong at Alfred ay ilan lamang sa celebrities na mahal ang entertainment press dahil marunong tumanaw sa kanilang pinagmulan.

Sa inyong pagmamasalakit, dama namin ang inyong pagmamahal.

Mabuhay kayo and may your tribe increase!