Advertisers
Ni WALLY PERALTA
TSIKA ng mga netizen, kinumpleto lang ni Sunshine Dizon ang ‘Sang-gre’ sister ng original na cast ng “Encantadia” na napanood last 2005 sa GMA-7.
Ang tatlo pang sisters ni Sunshine bilang ‘Sang-gre’ ay sina Karylle, Iza Calzado at Diana Zubiri. Unang lumipat sa ABS CBN 2 si Karylle taong 2008, sumunod naman si Iza last 2012.
Pumasok naman si Diana noong 2012 hanggang 2014 lang. At ngayon nga si Sunshine. Huling nagkasama ang apat sa isang proyekto nang magprodyus silang magkakaibigan ng isang serye para sa iflix, ang “Mystified”.
Ano naman kaya ang naging reaksyon ng kanyang ‘sang-gre’ sisters sa paglipat niya ng mother network?
“To be honest, they were the first ones who actually knew. Sila ‘yung mga una kong nasabihan.
When the offer came, biglang nagkaroon ng ECQ, and some productions had to stop taping. I was telling Karylle, ‘Sis, pray for me, na sana matuloy talaga ‘yung project, because I’m excited for it.
“They’re very happy for me. Actually, before the media con started, magkaka-text kaming lahat at nakakausap ko rin si Karylle. Masaya sila para sa akin,” say ni Sunshine.
Sa ngayon ay may proyekto nang gagawin si Sunshine sa Kapamilya Network, ang “Marry Me, Marry You” kasama sina Janine Gutierrez at Paulo Avelino. Bukod kina Karylle at Iza feel din ni Sunshine na makasama sa proyekto ang 2 pang Kapamilya star na sina Angelica Panganiban at Maricel Soriano.
***
AI AI AT MISTER SA TATE NA LANG MAGPAPABAKUNA
HINDI pa buo ang kalooban ni AiAi delas Alas pagdating sa pagpapabakuna kahit pa sabihin na marami na rin sa mga kaibigan niyang artista ay nagpabakuna na.
Dahil sa may alinlangan pa sa pagpapabakuna ay pinasya na lang nila ng mister na si Gerald Sibayan na sa ibang bansa na lang magpabakuna. May nagtaas ng kilay sa tugon na ito ni AiAi pero ipinaliwanag naman ang komedyana ang dahilan kung bakit sa kabila ng kanyang pag-aalinlangan sa pagpapabakuna ay sa ibang bansa pa siya magpapa-vaccine.
“Medyo half-half ako sa bakuna kasi, ‘di ba, organic ang lifestyle ko? ‘Tapos ang ano dun, kapag may mga sobrang allergy, huwag munang magpabakuna.
“So ako, tingnan ko, kasi green card holder ako, kapag in case, knock on wood, magkasakit ako doon, baka gawan naman nila ng paraan na gamutin ako,” paliwanag ni Ai Ai.
Yayamanin din ang datingan para sa iba ang hakbang ng mag-asawa na sa Amerika na lang magpabakuna.
“Maraming matatanda diyan, maraming nangangailangan ng bakuna, sasama pa ba ako doon? Doon na lang ako sa Amerika. Doon kasi, kapag green card holder ka, libre ka. Pero si Gerald, hindi pa siya green card holder, tourist pa lang, so $20,” dagdag na tugon pa ni AiAi.