Advertisers

Advertisers

Ancestral house ni dating Manila Mayor Lim nasunog

0 438

Advertisers

NATUPOK ang ancestral house ng namayapang dating alkalde ng Maynila na si Alfredo Lim nang madamay sa isang sunog na umabot sa ilang tahanan sa Tondo, Manila nitong Lunes ng umaga.
Ayon sa Manila Bureau of Fire Protection (BFP), ang naturang tahanan na matatagpuan sa Wagas-Lakandula sts. sa Tondo ay inookupa ngayon ng anak ng dating alkalde.
Batay sa ulat ng Manila BFP, 8:17 ng umaga nang sumiklab ang sunog sa naturang residential area.
Ang sunog ay umabot sa ikatlong alarma bago naideklarang under control 10:26 ng umaga.
Hindi pa man tuluyang naapula ang apoy, isa pang sunog ang sumiklab 10:13 ng umaga sa Onyx St., kanto ng Estrada St., sa San Andres Bukid, Manila.
Dahil sa maagap na pagresponde ng mga tauhan ng Manila BFP at fire volunteers ay umabot lamang sa unang alarma ang sunog at kaagad naapula 10:52 ng umaga.
Wala iniulat na nasugatan o nasawi sa dalawang magkasunod na sunog. Inaalam pa ang halaga ng pinsala, gayundin kung ano ang pinagmulan ng mga ito. (Andi Garcia/ J. Domenden)