Advertisers

Advertisers

P150-M SHABU NASABAT, 2 TIGOK SA DRUG BUST SA PASIG!

0 387

Advertisers

TODAS ang dalawang drug dealers at nasamsam ang nasa P150 million halaga ng shabu sa operasyon ng Pulisya, Philippine Drug Enforcement Agency at Bureau of Customs sa Axis Road, Kalawaan, Pasig City Linggo ng gabi.
Kinilala ni PNP Drug Enforcement Group Director, BGen. Remus Medina, ang isa sa dalawang napatay na si Arthur Abdul alyas “Abdul”, at ang kasama nito ay nakasuot ng itim na t-shirt at short na may tattoo sa kaliwang kamay at tiyan na “Jason”.
Nasamsam sa mga ito ang 22 kilo ng shabu na nakalagay dilaw na mga pakete ng Gua-yinwang refined Chinese tea na nakabalot at nagkakahalaga ng P149.6 million, at ang buybust money na P1.5 million.
Isinagawa ang operasyon 9:10 ng gabi, Mayo 9, sa bahagi ng Axis Road, Barangay Kalawaan.
Agad umanong pinutokan ng mga target ang mga otoridad kaya nauwi sa barilan ang operasyon. Naisugod pa sa ospital ang mga suspek ngunit namatay din 11:45 ng gabi.
Nabatid na ang mga napatay ay tauhan ng isang Michael Lucas Abdul na una nang naaresto sa buy bust operation sa Dasmariñas, Cavite noong Abril 26, 2021, at nag ooperate sa NCR, Central at Soujthern Luzon.
Lumabas din sa inisyal na imbestigasyon na isang moro na may alyas “Bating” na bodegero ng isang Tsino ang pinagkukuhanan ng iligal na droga ng mga napatay.
Pinapurihan ng bagong PNP Chief, Gen. Guillermo Eleazar, ang mga miyembro ng PNP na kasama sa operasyon.
(Edwin Moreno/Gaynor Bonilla)