Advertisers
NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng 6,846 na karagdagang kaso ng COVID-19 nitong Lunes, Mayo 10.
Samantala ay mayroon namang naitalang 8,193 na gumaling at 90 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 5.4% (59,897) ang aktibong kaso, 92.9% (1,030,367) na ang gumaling, at 1.67% (18,562) ang namatay.
Nasa 10 duplicates naman ang inalis sa total case count kung saan lahat ng ito ay recoveries.
Bukod dito, 40 kaso ang naitala bilang recoveries ang na-reclassified bilang pumanaw matapos ang final validation.
Operational naman ang lahat ng laboratoryo noong Mayo 8 habang 5 laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng kanilang datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)