Advertisers

Advertisers

Ngayong June, Rosanna Roces host ng sariling show sa PODCAST

0 548

Advertisers

Ni PETER S. LEDESMA

NANG aming maka-chat kamakalawa si Rosanna Roces, masayang ibinalita ng aming kaibigang aktres na aside sa mga gagawin pang pelikula sa Viva Films ay nakatakda na ring umpisahan ang kanyang iho-host na Podcast na magsisimula na ngayong June.

Excited na rito si Osang dahil muli niyang babalikan ang pagiging host at mapapanood ang kanyang Podcast sa Spotify. Ilan sa mga kilalang artista at TV Personality ay nasa Podcast na rin tulad ng King of Talk na si Kuya Boy Abunda. Well with her wittiness, laughter (na kanya-kanya lang) at straight forward sa mga sasabihin plus her fans and supporters na buhay pa rin ay siguradong papatok si Osang sa digital show niya ito.



“Pre-taped itong Podcast ko. Ire-review din ng mga lawyers bago i-upload,” say pa ni Osang. Yes, alam niyo namang walang preno pagdating sa kanyang mga opinyon si Osang at kilala siya sa pagiging prangka o walang preno kaya para iwas libel at dapat i-screen muna ang mga gagawing episodes at agree naman dito ang Viva actress.

Ibinalita rin ni Osang na ipalalabas na this July sa Vivamax ang movie nila ng BFF ngayong si Sharon Cuneta na “Revirginized. Touched pala si Osang sa advanced birthday gift sa kanya ni Shawie, na personalized Christian Dior Bag.



Yes, tulad ng inyong columnist ay May celebrant din si Osang na malapit na ring mag-shoot ng part 2 ng “Paglaki Ko Gusto Kong Maging Pornstar” na si young blockbuster Direk Darryl Yap ang director.

***



Loida Conte Ng New Jersey Pwedeng Maging “Queen Of Poetry”

Sobrang naka-iimpress ang mga poems na ipino-post sa FB ng isa sa new found friend at avid viewer sa aming solo Vlog na si Ma’am Loida Conte ng Bayonne, New Jersey, USA.

At isa sa nakaagaw pansin sa amin ay ang tula niya about “Motherhood.” Dedicated sa kapwa niya Moms in the world ang poem sa selebrasyon ng “Mother’s Day.” At very narrative si Ma’am Loida o Loi sa pagsasalarawan ng isang Nanay, na ayon pa sa kanya ay special gift from God ang motherhood.

Mula sa religious family si Ma’am Loida at dahil God-fearing ay she knows how to share her blessings to others including your columnist and Madam Teacher Pete (Pete Ampoloquio Jr). Narito ang ipinagmamalaki naming poem na likha ng aming amigang poetry. Yes pwedeng bansagang “Queen Of Poetry” si Ma’am Loida na sweet, loving ang kind sa sobrang husay nito sa pagbuo ng Tula.

The wonderful gift I got from God is to become a mother to my two sons whom I am worth living to enjoy. I dedicated this poem I revised for all mothers. Be proud and grateful to have this gift from above.

MOTHERHOOD – A SPECIAL GIFT FROM GOD

Motherhood scent is present at the moment a child is born

Motherhood is profound experience to have and to hold on

Motherhood expresses God’s very nature to all of his creation

Motherhood significantly as our great unique gift from above

A mother’s arms always open when you needed a hug

A mother’s heart understood when you needed a friend

A mother’s gentle eyes stern when you needed a lesson

A mother’s strength as eagle provide wings of protection

A mother’s caress is capable to mend, uplift your broken heart

A mother’s love has an assurance for compassion and devotion

A mother’s life is noble calling to achieve for the highest honors

A mother’s role entails a challenging option to face reality of life

A mother’s virtue is patient and kind to build a strong character

A mother’s wears wisdom as her clothing will claim for victory

A mother who in her tongue is firm but have the law of kindness

A mother displays her inner calmness in any circumstances of life

A mother faces the noble challenge in molding her child’s life

A mother who spend a quality time builds her child’s character

A mother presence surely has the lasting influence in their lives

A mother worth fulfilling reward is an assurance God greatest gift

***

JC Garcia Na-Hacked Ang Facebook Account

Walang sinasagasaan o tinatapakang tao ang kilalang Fil-Am Recording Artist/Dancer at Online TV host na si JC Garcia. Kaya nagtataka ang kaibigan naming singer at hilig siyang biktimahin ng mga scammer at hacker.

Last year lang ay nasa 1.2 million ang nadagit ng lalaking nambibiktima ng mga kabababayan abroad na kanyang bina-blackmail. Maawain si JC kaya agad siyang nagtiwala na magpahiram ng pera sa taong ito na taga-Cavite dahil sa may sakit daw ang anak at naka-confine sa hospital. Naging malaking lesson para kay JC ang pangyayaring ito kaya’t hindi na siya

basta-basta nagtitiwala at sa galit niya ay sinermonan niya ang nasabing lalaking scammer na kasabwat ang babaeng kapatid. Na-stress din si JC dahil recently lang ay na-hacked naman ang kanyang Facebook account na may thousands of followers kaya wala siyang magawa kundi gumawa uli ng bagong account.

Sabi ko kay JC, masyado kasing malakas ang dating niya kaya madalas siyang kainggitan. Mabuti na lang at sa rami ng mga pinagdaanang pagsubok ay matatag na si JC, na hindi kayang pabagsakin ng kahit sino man. Kita niyo naman patok siya agad sa KUMU.