Rozz susi sa pagkikita nina Derf at American father Masayang family reunion sa ‘The Rocks and Rozz Show’
Advertisers
Ni BLESSIE K. CIRERA
MISTULANG teleserye ang naganap na Kumu show na The Rocks and Rozz noong Sabado, May 8, na pinangungunahan nina Rozz Daniels, Irelyn Arana, Jerome Sangalang, Harold Evangelista, Analyn Torregosa, Derf Dwayne, at ng inyong lingkod.
Naging instrumento ang The Rocks and Rozz para sa masayang reunion ni Derf sa kanyang pamilya, sa kanyang amang si Dwayne William White , sa kapatid na si Lala, tiyuhing si Mike at tiyahin na si Barbara na pawang nasa Illinoios, Chicago.
Matagal na panahon na ring hinahanap ni Derf ang kanyang pamilya bagama’t wala siyang paraan na maisip para tuntunin ang lokasyon ng mga ito sa nasabing bansa.
Sa tulong at kagandahang loob ni Ms. Rozz at ng kanyang asawang si Daniel Daniels, hawak ang ilang impormasyon na binigay ni Derf, nagsimulang maghanap at magtanong ang mag-asawa hanggang sa matunton nila si Barbara, ang auntie ni Derf.
Nagbukas na ito ng daan para tuuyang makita ng streamer/singer ang kanyang pamilya. Inimbitahan ni Rozz ang White Family na mag-download ng Kumu application para makita at makasama kahit virtual lamang si Derf.
Naging emosyunal ang lahat sa pagkikita-kita ng nabanggit na pamilya na buong pusong tinanggap si Derf. May iyakan, tawanan, at kantahan na pumuno sa naturang show na naging espesyal na pagtatanghal talaga.
Walang pagsidlan ng tuwa si Derf na makalipas ang ilang taon ay natagpuan na ang kanyang pamilya. Maging sina Rozz, Jerome at Harold na nakasaksi sa masayang reunion ay hindi napigilang mapaiyak sa sitwasyon.
Sey nga ni Derf kay Rozz, “Habang buhay ko po itong tatanawing utang na loob. Ang tagal kong hinanap ang pamilya ko, hawak lang pala sila ni Mommy Rozz.”
Nabalitaan natin na kasalukuyan nang inaayos ang papeles ni Derf para makapunta ng Chicago at makita nang personal ang kanyang ama at iba pang kapamilya.
Masaya kaming lahat sa The Rocks and Rozz show sa ‘yo Derf at hangad namin na sa pagkikita nyo ng iyong ama ay nabuo na ang kulang sa pagkatao mo. Thank you Lord!