Advertisers
Ni WALLY PERALTA
SUNSHINE Cruz cries foul! Hindi na talaga napigilan pa ni Sunshine ang naramdamang galit at humingi na ng tulong sa mga netizen para i-report ang isang netizen na ini-edit ang larawan na ipinost ni Sunshine, na tila isang one big happy family ang aktres kasama ang kanyang Tres Marias at ang boypren na si Macky Mathay na nasa harap ng isang malaking dining table.
Pero sa kasamaang palad ang naturang post ni Sunshine ay ini-edit ng isang netizen at pinost ng naturang netizen ang larawan na ini-edit niya at nilagyan pa ng caption na ganito:
““Hooooy!!!! Nayabag na si angkol cesar ani. Ctto” (Hooooy!!!! Nabaliw na si Uncle Cesar dito.)
Ilang libo agad ang nag-like sa edited photo nina Sunshine at libu-libo rin ang nag-share.
“Sa mga hindi aware, Macky’s face was edited. Binago at ginawang porn actor. The comments as you can see are disgusting.
Let’s not tolerate this kind of behaviour here on Facebook. Sadly, it is so easy for others to say nasty things on social media,” say ni Sunshine sa kanyang post.
Gayundin ay nagkomento ang aktres sa edited post ng naturang netizen at sinabihan niya ito na ‘take this down!”
“I will never understand why people think making fun of other people is funny. No one has the right to humiliate others. What would you feel kung isa sa pamilya nyo ang gawing katatawanan? It only shows the character na meron ang isang tao. Hindi ako humihingi ng respeto pero itrato nyo lang din akong tao. Pareho nyo nasasaktan din ako. Walang ginagawang masama ang pamilya ko kahit kanino,” dagdag na say pa ni Sunshine sa kanyang social media account.
***
MEGAN FEEL NA MAGING WRITER SA TV O MAGTRABAHO OFFCAM
MARAMING naaliw sa podcast ng mag-asawang Mikael Daez at Megan Young. Kung anu-ano kasi ang content ng kanilang blog kaya aliw na aliw ang mga netizen na subscribers nila. Tulad na lang ng tsikahan portion ng mag-asawa kung nakikita ba naman nila ang sarili in the future na patuloy pa rin sa pag-aartista. May kanya-kanyang opinyon ang couple.
Ayon kay Megan, nakikita niya ang sarili ilang taon mula ngayon na nasa Kapuso Network pa rin pero hindi na raw bilang isang artista o host kundi off cam na siya magtatrabaho.
“My forecast for GMA is I will still be working with GMA in the future. But, I do wonder if I am going to work as just an actress, just a host or am I going to take on a different role. Am I still going to be in front of the camera or will I be behind the camera also,” ayon kay Megan.
Inamin din kasi ng beauty queen/actress na bago pa man siya pumasok sa showbiz ay pagsusulat na talaga ang kanyang gusto.
“Before, I really wanted to become a writer. I wanted to create stories. I was thinking what if I produce something, a new show. What if I become a producer of a show in the future?”, dagdag na say pa ni Megan.
Sa ngayon ay pinaghahandaan na ng mag-asawa ang kanilang bagong show sa GMA-7, hindi bilang mga actor kundi bilang hosts sa isang bagong talent search show na may kaugnayan sa mga mang-aawit.