Advertisers

Advertisers

Maja ima-manage na ang career ni Lloydie

0 192

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

USAP-usapan ang bagong teaser video na ibinahagi ni Maja Salvador sa kanyang Instagram account na may catchline na #TheCAMbackIsReal.

Sa naturang video, hinulaan ng netizens



kung sino ang mystery guy na mag-i-stage ng comeback.

Ito raw ang award-winning actor na si John Lloyd Cruz.



Medyo na-reveal ito dahil naka-post din ito sa Facebook page ng actor with the same hash tag.

Dahil dito, naging malakas ang bulung-bulungan na ima-manage na ni Maja ang career ni Lloydie.



Kung sakali raw, si John Lloyd ang biggest talent ng kanyang pagmamay-aring Crown Artist Management.

Ang photo ng nasabing promotional video ay ipinost din ng celebrity hairstylist na si Jay Wee sa kanyang social media account.

Marami rin ang na-excite dahil matagal na nilang nami-miss ang pagbabalik-showbiz ng actor na matagal na nawala sa sirkulasyon.

Pagtutuwid naman ng ilan, balik-showbiz na si Lloydie dahil may tinatapos itong pelikulang Servando Magdamag sa direksyon ni Lav Diaz.

Hirit naman ng ilan, ngayong nasa kuwadra na ni Maja ang actor, posible raw na magtambal ang dalawa at magkaroon ng kolaborasyon.