Advertisers

Advertisers

Covid update: 6,784 bagong kaso; 2,972 gumaling; 137 nasawi

0 222

Advertisers

NANATILING mataas ang naitalang dagdag na kaso ng coronavirus disease makaraang makapagtala ang Department of Health (DOH) ng 6,784 na kaso ng COVID-19 nitong Biyernes, Mayo 14.
Samantala ay mayroon namang naitalang 2,972 na gumaling at 137 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 5.2% (58,986) ang aktibong kaso, 93.1% (1,053,523) na ang gumaling, at 1.68% (18,958) ang namatay.
Samantala, 41 duplicates naman ang inalis sa total case count kung saan 21 ang recoveries.
Bukod dito, 71 kaso ang nai-tag bilang gumaling ang na-reclassified bilang pumanaw matapos ang final validation.
Muli namang hinihikayat ng DOH ang publiko na magpalista sa kani-kanilang mga LGU upang mahatiran ng dagdag na proteksyon ng mga bakuna sa COVID-19.
Ayon sa DOH, sa pinagsamang bisa ng bakuna at masusing pagsunod sa public health standards makakamit natin ang lubos na proteksyon mula sa anumang variant ng COVID-19. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)