Kapamilya Actor Paulo Avelino, goal na maging mainstream ang Lupon WXC nila ng partner na si Nico “Kuyanic” Nazario
Advertisers
Ni PETER S. LEDESMA
BUKOD sa pagiging film/TV actor/endorser ay involved na rin ngayon ang two time-Best Actor na si Paulo Avelino sa bagong Esports at Streaming Company na LuponWXC na ang founder at CEO ay ang local gaming icon na si Nico Nazario o mas kilala ng mga gamers bilang KuyaNic.
Matagal nang tagahanga si Paulo ni KuyaNic, hanggang sa nagkakilala ang dalawa through mutual friend at ngayon ay magkasosyo na ang mga ito sa LuponWXC na ang parehong goal ay maging mainstream ang kanilang Esports and Streaming Company na kanilang ipinakilala sa recent virtual presscon na isa sa naimbitahan ay inyong columnist.
Nakuwento ni KuyaNic sa entertainment press na dati ay sa condo lang sila ng kanyang staff nagsasagawa ng streaming now with the help of Paulo ay may sarili na silang three story building in General Trias, Cavite with 11 broadcast studios at siyempre marami na rin silang potential gamers dito. “What I’m most looking forward to is expanding our talent pool with more games,” sabi pa ni Paulo na sa kabila ng dumating na pandemic ay na-maintained nila ang kanilang employees, “I’m just glad we’re able to keep all of our employees-who love and see a career in the gaming industry.”
Ayon naman sa partner niyang si Kuyanic, “Our main product is the broadcast of esports tournaments. Next is the development of gaming streamers. We’re also very much willing to lend our gamers to our Philippine teams. At dahil talagang passion ni Paulo ang maglaro ng online games, kung saan noong bata pa siya ay mahilig na siyang maglaro ng Countrestrike nung nasa Baguio pa siya, at minsan nang nanalo sa pustahan at nanalo ng P50K ay asahan na mas magiging visible ang Kapamilya actor sa esports event.
LuponWXC currently has 6 operational studios focused on original content, Mobile Legends, DotA2, original show concepts with KUMU, event activations, and major broadcast productions. The creators of LuponWXC regularly stream on Youtube, Facebook, and Kumu.
They have also release a line of gaming mercha-ndise and clothing called D’Armory, which is currently available online through Shopee. To learn more about Lupon WXC, pls visit their official website at www.luponwxc.gg. Follow facebook.com/luponWXCofficial on Facebook and @luponwxc on Instagram for updates on their latest content.
***
Direk Reyno Oposa, Tatlong Pelikula Ang Tinanggihang Gawin Dahil Sa Covid-19
Tatahi-tahimik lang si Direk Reyno Oposa, ‘yun pala ay may tatlong movie offers siya sa Pinas para i-direk ang mga ito.
At valid naman ang reason ni Direk Reyno kung bakit ni isa sa alok sa kanya ay wala siyang tinanggap kasi ayaw niyang mapahamak ang kanyang mga artista at mga tao sa production. Kung ang mga big TV networks nga raw ay paurong-sulong ang lock-in taping dahil sa marami ng nahahawa at nagkakasakit ng Covid-19 sila pa kaya na independent producers lang.
‘Yung movie ni Direk na “TARAS” na sinhoot last February ay medyo maayos-maayos pa ang sitwasyon sa Pinas pero ngayon ay sobrang nakakatakot na kaya kaysa isugal ang kaligtasan ng mga artista niya ay minabuting huwag ng gawin ito ng kaibigan naming director.
Saka marami ng natapos na movies si Direk Reyno, tulad ng Agulo: Sa Hinagpis Ng Gabi nina Kristoffer King at Janice Jurado, Silab, etc. At itong TARAS na pinagbibidahan ng anak ni Rosanna Roces na si Dennis Cruz.
Lahat ito ay hindi pa naipapalabas sa sinehan. Pero sa nais mapanood ang mga nabanggit na pelikula ay punta lang sa official Youtube channel ni Direk na Reyno Oposa.