Advertisers

Advertisers

Heart bilib ang netizens sa sosyal na pagkain ng chicken

0 278

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

MARAMING netizens na followers ni Heart Evangelista ang nasosyalan sa pagkain nito ng fried chicken.

May post naman si Heart sa kanyang socmed account na pics nito na may hawak na chicken.



Ayon naman sa komento ay gravecious nga raw si Heart na pati pagkain ng chicken eh sosyalin din.

Kaya naman gusto magpaturo ng netizens kay Heart kung paano ba kainin ang chicken na may class.



Pinuri naman nila si Heart na siya lang daw ang nakakagawa ng ganito na may pagka-high end ang peg kahit pa ‘di naman mamahalin ang bitbit o dala-dala ng actress at nagiging sosyal na.

Sabat pa ng isang netizen na chicken lang daw ang afford nila kaya teach nga raw ni Heart kung paano hawakan at kainin ang nasabing fried chicken.



Kaya bumilib naman sila kay Heart iba raw kasi ang dating pag siya na ang may bitbit or may dala ng anumang bagay na simple lang eh nagiging class.

Inasahan naman ng mga followers ni Heart na may basher na namansa kanilang idol sa pagkain nito ng chicken.

***

WALA namang pinagsisihan si Andi Eigenmann sa naging desisyon nito na pagkakaroon ng pamilya kaysa piliin ang karera.

Pero inamin ni Andi na nami-miss na rin nito ang pag-akting sa harap ng kamera kaya naman kung may pagkakataon eh gusto ng anak ni Jaclyn Jose na makabalik sa showbiz.

Pero di pa raw ngayon dahil maliliit pa ang anak nito na sina Lilo at Koa.

Ayaw naman niya iwan ang mga anak para mag magbalik showbiz.

Inamin ng aktres na masaya ito sa Siargao kasama si Philmar Alipayo at 2 kids nila. Gusto  ni Andi na hands on siya sa kanyang mga anak kaya gustuhin man nito magbalik showbiz ay ‘di ubra dahil hindi nito kayang iwanan ang mga anak.

Well, well, well…’Yun na!