Advertisers

Advertisers

Super-cute na baby ni Marinella Moran na si Alexander, future child star

0 728

Advertisers

Ni NONIE V. NICASIO

KAKAIBA ang pagka-cute ng two year old toddler na si Alexander Robin Hardman. Siya ang bunsong anak ng dating 90’s aktres na si Marinella Moran.

Makakasama ni Marinella sa pagbabalik sa bansa ang baby boy niyang si Alexander. Thru chat sa FB, naibalita sa amin ni Marinella na ngayon pa lang ay maraming offers na ang dumarating sa kanyang bunso.



Sobrang loveable at cute kasi ni Alexander kaya hindi nakapagtatakang may mga naka-line up na projects na sa kanya.

Actually, kahit na noong one year old pa lang si Alexander ay marami na itong natatanggap na offers sa Singapore. Na karamihan ay TV commercials at prints.



Si Alexander ay 70% German at 25% Filipino na ipinanganak sa Singapore.

Saad ng dating Seiko Films contract artist, “Modesty aside, my son is good-looking but I did not expect him to get commercial offers this early.”



Aniya pa, “If there is a chance sa showbiz, okay lang po na pumasok siya. But sa ngayon, ang daming nag-offer na ng commercials and print ads and billboard sa anak ko.”

Naniniwala kami na kung mabibigyan ng tamang project at maaalagaan ang career ni Alexander, posible siyang maging future child star ng bansa.

Anyway, sa kasalukuyan ay niluluto na nina Marinella at ng manager niyang si Lito de Guzman ang pelikulang Bratinella. Ayaw pang magbigay ng detalye ni Marinella sa nasabing pelikula, para raw may element of surprise. Except sa pagsasabing ang pelikulang gagawin nila ay magiging proud ang mga Pinoy at plano nilang isali ito sa mga international film festivals.

First movie ni Marinella ang Klaudia Koronel-Anton Bernardo starrer titled Anakan Mo Ako ng Seiko Films. Itinuturing naman niyang most memorable at biggest break ang pelikulang Sa Paraiso ni Efren ni Anton Bernardo, na pinamahalaan ni Direk Maryo J. delos Reyes.

Esplika ni Marinella, “Kasi po, it was remarkable that I was very new in the showbiz industry and I was chosen to be nominated as Best Supporting Actress.”

Ang pagka-miss niya sa showbiz ay nagsimula sa kasagsagan ng pandemic bunsod ng Covid-19. Noong panahon daw kasi ng lockdown sa Singapore ay nagkaroon siya ng time at chance na mapanood ang kanyang mga lumang pelikula.

Lahad pa niya, “Na-miss ko ang showbiz especially when the pandemic started. Kasi, I have time to watch my old movies and I miss so much iyong mga reporter or journalist na friends ko. And yung mga call time kapag may shooting or shows.”

Halos 40 movies ang nagawa ni Marinella, pero nang naisipang magtapos ng kolehiyo, tumigil siya sa pag-aartista hanggang sa magkaroon na ng pamilya.

Ngayon ay nakabase na siya sa Singapore, may masayang pamilya, at isang matagumpay na businesswoman.

Kabilang sa pinagkaka-abalahan ni Marinella, bukod sa pag-aalaga sa pamilya niya ay ang kanyang business na beauty line cosmestics and trading company. Mayroon ding siyang YouTube channel.