Advertisers
Ni GERRY OCAMPO
SI Maja Salvador na ba ang bagong manager ngayon ni John Lloyd Cruz? Ito ang katanungan sa showbiz ngayon matapos i-post ni Maja ang teaser ng bagong tatag na talent agency niya na Crown Artist Management.
Sa ipinost na teaser kasi ni Maja sa kanyang IG na makikita ang isang eroplano na kalalapag lang at makikita ang isang lalaki nasa loob. Hindi ipinakita ang kabuuang mukha ng lalaki kundi ang chin lang ng guy. Pero kahit chin pa lang ay makilala na agad na parang si John Lloyd.
Ang caption kasi ni Maja na #TheCambackIsReal at nakalagay din ito sa teaser. Sa dulo ng video nakalagay din ang logo ng Crown Artist Management.
Halos iisa lang ang hula ng lahat sa comment section na si John Lloyd ang lalaki. Nakadagdag pa ang comment ni Bea Alonzo na nagpatibay sa hinala ng lahat.
Kung si Lloydie nga talaga ang bagong talent na iha-handle ng talent agency ni Maja ay malaking tulong ang actor.
Sana lang ay hanapan ng right projcet ng Crown Artist si Lloydi para mabuhay muli ang acting career ng actor at maiwasan ang paggawa ng pelikulang siya at ang kanyang director lang ang matutuwa.
***
LALO raw naging pasaway ang magaling na actor nang malaman na sisibakin na siya sa lock-in taping ng isang Network.
Hindi raw kasi sumusunod sa pinaiiral na patakaran sa lock-in taping, gaya ng bawal uminom, lalo na maglasing sa taping.
Gumagawa raw ng paraan ang actor na makakuha ng alak sa hotel na tinutuluyan ng cast. Natural na kapag umiinom ay nalalasing at ang grabe ay kapag nasobrahan ay nag-iingay. Siste walang alam ang actor sa kanyang pinaggagawa kapag sobrang lasing. Kinabukasan na lang nito nalalaman ang kanyang pinaggagawa.
Dahil siguro importante ang role ng actor sa teleserye kaya nagagawang i-tolerate ng production ang pagiging pasaway ng actor. Isa pa ay marami nang eksena ang nakunan sa kanya at tila huli na raw kung papalitan pa siya.
Pero sabi nga kapag sobra na talaga ay napupuno rin ang salop kaya tsinugi na sa cast ng production si actor. Hindi naman naging problema ang pagkawala ng pasaway na actor dahil kaagad nagawan ng paraan ng writer ang pagkawala ng character ng pasaway na actor na hindi magsu-suffer ang takbo ng istorya.
Pero hanggang sa pag-uwi ng actor pabalik ng Manila ay gumawa pa rin daw ito na ikinagalit ng production. Umoder daw kasi si actor ng beer na babaunin nito pauwi, pero hindi naman binayaran kaya ang inutusang production ang walang nagawa kundi bayaran ang inoder na beer ng pasaway na actor.
Naalala tiuloy namin ang ginawa rin ng isang magaling na actor na umorder ng imported na alak na wala naman palang pambayad kaya napilitang magbayad ay ang officer ng aming samahan.