Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
ISANG taon ding namalagi sa Bali, Indonesia si Maxene Magalona kung saan siya naabutan ng pandemya.
Sa kanyang pagbabalik ng bansa, hindi niya napigilang magsentir.
Nami-miss kasi niya ang nasabing lugar na malaya siyang nakakagala.
Lalong sumidhi ang kanyang kalungkutan nang sumailalim siya sa quarantine sa kanyang pagbabalik sa Pinas.
Ito mismo ang emote niya sa kanyang Instagram account.
“I took this photo exactly a week after I had just arrived back home in Manila. It was my first time to experience being in quarantine as I was used to going out in Bali everyday. I tried to go about my days as normally as I could and just continued with my daily routine. I even made a schedule of things to do that would keep me busy and productive. Being the ‘strong independent woman’ that I am, I was determined to keep the situation under control,” aniya.
“On this day, however, I started getting a migraine and my body began to physically collapse. When this happens, I usually get frustrated because I don’t like the feeling of “losing control.” I started getting emotional and instead of holding back my tears, I just allowed them to come.
“Gradually, the emotions that I had been keeping bottled up inside of me for God knows how long started to surface,”dugtong niya.
PUSO MO WALLY PERALTA
Andrea nasira ang buhok kaya nagpagupit; Jennica balik-showbiz nang mahiwalay kay Alwyn
MARAMING followers si Andrea Brillantes ang nagulat nang bumulaga siya sa mga ito sporting a one length hair.
Marami ang humanga at nagandahan sa bagong haircut ni Andrea pero may mga nadismaya rin at mas feel nila kay Andrea ang mahabang buhok. Ano nga ba ang dahilan ni Andrea kung bakit naisipan niyang magpaikli ng buhok? Hindi kaya lovelife?
Ayon naman kay Andrea, wala raw kinalaman sa personal niyang buhay kung bakit siya nagpagupit nang maigsi. Ang totoong dahilan ay dahil sa nagkakaroon ng galis ang kanyang anit at nalalagas ang kanyang buhok. At para mapanatiling malusog ang kanyang buhok ay minabuti na lang ni Andrea na paputulan ito.
Nagsimula umanong malagas ang kanyang mga buhok at magkasugat-sugat ang kanyang anik na nitong nakaraang taon ay halos anim na beses siyang nagpa-bleach ng buhok.
“Early quarantine, ‘yung talagang stuck tayo sa bahay, nababaliw na ako. Tapos nilabas ng BLACKPINK ‘yung music video nila na si Jennie blonde ‘yung hair. So blineach ko rin ‘yung buhok ko six times. Ganu’n ko kamahal si Jennie. Kasi hindi ako pumayag na hindi ko ma-achieve. So blineach ko siya tas ‘yun namatay ‘yung buhok ko. Nalalagas na siya. Eh ‘yung buhok ko nu’n ganito kahaba tas may sugat na din ako sa anit.
“Ako kasi du’n ko kinukuha ang confidence ko din kapag maganda ‘yung buhok ko. So medyo naiilang na ako na patay na ‘yung buhok ko, medyo nawawalan na ako ng confidence. So pina-chop ko na lang siya,” paliwanag pa ng young Kapamilya actress.
***
NANG magdesisyon na magpakasal kay Alwyn Uytingco at bumuo ng pamilya si Jennica Garcia ay tinalikuran na rin niya ang mundo ng showbiz. Manaka-naka na lang siya na nagpaparamdam sa showbiz habang binubuo pa ni Jennica ang kanyang pamilya.
At sa hindi inaasahan na pangyayari ay nagulat na lang ang followers ng dalawa nang sumabog ang balitang naghiwalay na sila ng landas ng mister at sa piling niya napunta ang 2 anak nila ni Alwyn.
Wala sa magkabilang panig ang nagbigay ng dahilan kung bakit nagpasya na ang dalawa na magkanya-kanya na.
Bago pa man maghiwalay ang dalawa ay nasa online selling na si Jennica at ngayon tuluy-tuloy pa rin siya sa pagbebenta sa online and by this time ay mga ari-arian nilang mag-asawa ang binebenta ni Jennica.
Dahil lilipat na sila ng bahay, ayaw niya na raw umano dalhin ang mga lumang gamit nila at gusto niya ng fresh start.
“Marami po ito gawa ng ayoko na po sana dalhin pa sa lilipatan namin na unit ng mga bata. Start fresh ‘ika-nga. Hanep! Naka-hugot pa sa morning. Sana sold out po ulit tayo ha? See you!!!” sabi pa ni Jennica.
Bukod sa pagiging abala sa lilipatang bahay nilang mag-ina ay kinumpirma rin na balik-showbiz na ulit si Jennica at kasama siya sa kauna-unahang seryeng gagawin ni Albert Martinez bilang balik-Kapuso, ang “Las Hermanas” na bukod kay Jennica ay kasama rin sina Yasmien Kurdi, Thea Tolentino, Faith da Silva at Jason Abalos.