Advertisers

Advertisers

Mga bar, sinehan bawal parin sa NCR Plus

0 247

Advertisers

IGINIIT ng pamunuan ng Department of Interior and Local Government (DILG) na bawal pa ring mag-operate ang mga leisure at entertainment venues sa mga lugar na nakasailalim sa heightened general community quarantine (GCQ).
Saad ni DILG Secretary Eduardo Año, bawal pa ring magbukas ang mga bars, concert, cinemas, theater, arcades, internet cafes, amusement parks, playground, casino, at sabong sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Rizal, at Laguna na isasailalim sa heightened GCQ simula Mayo 15 hanggang Mayo 31.
Samantala, nasa 30% na kapasidad naman ang operasyon ng personal care services at outdoor tourist attractions.
Habang pinapayagan ang 20% na seating capacity sa mga indoor dine in services sa NCR Plus at nasa 50% naman na kapasidad ang Al Fresco Dining.
Nasa 10% capacity naman ang pinapayagan sa mga binyag, kasal, burol at iba pang religious gatherings. (Josephine Patricio)