Advertisers
KINUMPIRMA ng Malakanyang ang pagsama sa Oman at United Arab Emirates (UAE) sa travel ban dahil sa COVID-19.
Lahat ng mga biyahero na magmumula sa Oman at UAE o mayroong travel history sa nasabing dalawang bansa sa loob ng 14 na araw ay pinagbabawalan nang makapasok sa bansa simula Mayo 15 hanggang Mayo 31, 2021.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ito’y para maiwasan ang pagkalat ng naturang double mutant variant na unang lumaganap sa India.
Sinabi pa ni Roque na hindi sakop ng restriksyon ang mga darating na biyahero bago ang araw ng travel ban ngunit kailangan pa rin nilang sumailalim sa 14 days quarantine at swab test.
Naunang inirekomenda ni Department of Health Secretary Francisco Duque III at ng Department of Foreign Affairs ang pagsama sa Oman at UAE sa travel ban matapos may maitalang dalawang kaso ng COVID-19 variant mula India ang mga naturang bansa.
Pinalawig naman hanggang Mayo 31 ang travel ban sa bansang India, Pakistan, Nepal Bangladesh at Sri Lanka. (Vanz Fernandez/Josephine Patricio)