Advertisers

Advertisers

Pagtutulungan at pagkakaisa ngayong panahon ng pandemya

0 1,300

Advertisers

MATAAS pa rin ang bilang ng Covid-19 cases sa Pilipinas.

Kaya maraming nagugutom at hindi makapagtrabaho dulot ng travel restrictions.

Nakatutuwa naman na kahit malayo sa kanilang bayang sinilangan, hindi nakakalimutan ng ilang mga kababayan natin sa ibayong dagat na tumulong sa mga mahihirap na Pinoy na nasa ating bansa na nangangailangan ng suporta nila ngayong panahon ng pandemya.

Katunayan, inilunsad sa Barangay Gelerang Kawayan sa San Pascual, Batangas ang isang community pantry.

Nabatid na ang mga inilatag na pagkain doon ay mula sa donasyon ng mga overseas Filipino workers o OFWs, residente, at ilang mamamayang nakaaangat sa buhay.

Pagmamalaki nga ni Brgy. Chairman Celso Abrugena, nagulat siya sa dami ng tumawag para magpadala ng tulong kung saan bukod sa pagpapatuloy ng pantry ay balak din daw nilang mag-abot ng ayuda sa maraming mahihirap na residente sa ibang lugar.

Kung maaalala, noong nakaraang buwan nagsimula ang community pantry sa Maginhawa Street, Quezon City ni Ana Patricia Non.

Naging dahilan ito upang magsulputan na ang mga ito sa iba pang parte ng bansa.

Habang tumatagal, parang walang pagbaba sa coronavirus cases.

Inanunsiyo na rin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga bagong quarantine classifications sa iba’t ibang lugar.

Para sa ilang grupo ng mga negosyante at manggagawa, pabor sila sa mas maluwag na general community quarantine ang Metro Manila at mga kalapit na lalawigan.

Kaya inilagay na sa general community quarantine (GCQ) na may heightened restrictions ang National Capital Region (NCR) at ilang karatig na lugar, partikular na sa Bulacan, Rizal, Cavite at Laguna simula Mayo 15 hanggang sa Mayo 31.

Sa Ulat sa Bayan ni Pangulong Duterte, inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang mga lugar na isinailalim sa GCQ ay ang Apayao, Baguio City, Benguet, Kalinga, Mountain Province, Abra, Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Batangas, Quezon, Puerto Princesa, Iligan City, Davao City, at Lanao del sur.

Inilagay na rin sa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ) ang Santiago City, Quirino, Ifugao, at Zamboanga City habang ang mga natitira pang bahagi ng bansa ay mananatiling nasa modified GCQ.

Sa mga nakatira naman sa MM o NCR, aba’y tandaan ninyo na mataas pa rin ang Covid-19 cases kaya mag-ingat tayong lahat.

Mahalagang sumunod sa minimum health standards tulad ng physical distancing, at tamang pagsusuot ng face mask o face shield.

Ugaliin din ang regular na paghuhugas ng kamay o paggamit ng alcohol, kung maaari ay umiwas sa mga matataong lugar, at huwag lumabas ng bahay kung hindi naman mahalaga ang pupuntahan.

Magtulungan at magkaisa lang po tayo, malalampasan din natin ang pademyang ito.

***

PARA naman sa inyong mga reaksyon, suhestiyon, reklamo, atbp., maaari n’yo po akong i-email sa gil.playwright@gmail.com o kaya’y i-private message sa aking Facebook, Twitter, Instagram, at FB accounts. Paki-subscribe na rin po ang aking Youtube channel at Tiktok page na ‘Gilbert Perdez’. Maraming salamat at stay safe!

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More