Advertisers
NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng 5,790 na karagdagang kaso ng COVID-19 nitong Linggo, Mayo 16.
Samantala ay mayroon namang naitalang 7,541 na gumaling at 140 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 4.8% (54,904) ang aktibong kaso, 93.5% (1,069,868) na ang gumaling, at 1.68% (19,191) ang namatay.
Ang mababang bilang ng kaso ngayong araw ay dulot ng mababang testing output ng mga laboratoryo noong Biyernes (14 May 2021).
Nasa 14 duplicates naman ang inalis sa total case count kung saan 10 ang recoveries.
Bukod dito, 90 kaso ang na-tag bilang recoveries ang na-reclassify bilang deaths matapos ang final validation. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)