Advertisers

Advertisers

TITSER, 2 PCG HULI SA DROGA!

0 239

Advertisers

ARESTADO ang dalawang miyembro ng Philippine Coast Guard at isang guro nang makuhanan ng P244,000 halaga ng shabu sa buy bust operation sa Zamboanga City.
Kinilala ang mga nada-kip na sina Marites Manuel, 40 anyos, titser ng Don Pablo Lorenzo Memorial School, at residente ng Atis Drive, Barangay Baliwasan, Zamboanga City; Ryan Manuel, 40, ng Atis drive Bgy. Baliwasan; at John Capuy, 39, ng Km. 7 Bgy. Pasonanca, Zamboanga City, kapwa aktibong miyembro ng PCG Zamboanga City.
Ayon kay Police Major Shellamie Chang, spoke-person PRO9, 10:30 ng umaga nang magsagawa ng buy bust operation ang Zamboanga City Police-Drug Enforcement Team sa Atis Drive, Bgy. Baliwasan.
Nakuhanan ang mga inaresto ng 4 heat sealed plastic sachet ng shabu na may timbang na 35.97 grams na nagkakahalaga ng P244,600.
Nahaharap ang tatlo sa paglabag sa RA9165.(Mark Obleada/Jocelyn Domenden)