Advertisers
NARANASAN ng ilang residente sa La Paz, Abra ang pag-ulan na may kasamang butil ng yelo.
Nagulat na lamang ang mga residente ng Barangay Malabbaga sa malalaking patak ng ulan. Nang kanilang suriin, nakita nila ang butil ng yelo na kasinglaki ng sago.
Nangyari raw ang hail storm na tumagal ng 20 minuto matapos ang malalakas na pagkulog at pagkidlat.