Advertisers

Advertisers

DICT budget hearing 15 minutes tapos?

0 5

Advertisers

Malaking katanungan para sa mga kongresista kung bakit hindi man lang naginit sa kinauupuan ang mga dumalo sa isinagawang Budget Hearing ng Department of Information and Communication Technology (DICT) at katakatakang hindi man lang napagusapan ang mga kinakaharap na kaso ng mga namumuno rito.

Sa tutuo lang mga Ka Usapang HAUZ maraming nadismaya dahil halos umabot lang ng 15 minutes at tinapos na ang usaping budget ng DICT samantalang marami ang dapat ipaliwanag ang nasabing tanggapan.

Tila nagkaroon ng busal ang mga bibig ng mga kongresistang mainit magimbistiga at magtanong kung ang usapin ay may bahid ng kontrobersiyal at ka iligalan pero mga Ka Usapang HAUZ ni isa walang pumiyak, baka naman nagkaayusan o nagtulog-tulugan ng magsalita na si Majo Zandro Marcos Nagtatanong lang po?



Kaya mga Ka Usapang HAUZ kung ayaw pagusapan sa kongreso ang usaping ilegal sa DICT ay nais pinaiimbistigahan ng mga concerned taxpayer ang isang mataas na opisyal ng Department of Information and Communication Technology (DICT) dahil sa umanoy pagsasagawa ng mga aksyon na para lamang sa kanyang pansariling interes.

Sa isang liham na ipinarating ng mga concerned taxpayer kay President Ferdinand Marcos Jr. na natanggap noong August 25, 2026, hiniling ng mga ito na imbestigahan si DICT Undersecretary Atty. Leonido “Bodie”Jimenez Pulido lll.



Hiniling din ng mga ito sa kanilang liham na pansamantalang huwag munang ilantad ang kanilang mga pangalan dahil sa pagiging sensitibo ng kanilang reklamo.

Sa kanilang liham, kinuwestyon ng mga nagrerekamo kung paanong si Atty. Pulido ay nakapagsilbi sa Dalawang senior position sa gobyerno sa kabila ng may nakapending itong kaso sa Sandiganbayan.



Sinasabi pa sa liham na bago naappoint ito sa DICT ay una ng nagsilbi bilang Assistant Secretary sa Department of Energy (DOE) sa ilalim ng Duterte administration kung saan siya naging co-accused ni DOE Secretary Alfonso Cusi dahil sa isyu ng sweetheart deal sa pagitan ng DOE at Udenna Corporation noong 2019 mula noon, naappoiyito bilang Usec hanggang April 2026.

Bagamat ang graft case nina Cusi, Pulido atbp ay na dismissed ni Ombudsman Samuel Martirez sa parehong taon noong 2022, binaligtad ni Martirez ang desisyon at muling binuhay ang kaso noong 2024 matapos makitaan ng probablr cause, kaya ngat naitaas ang kaso sa Sandiganbayan noong August 2025.

Bagamat pansamantalang nakalaya sina Cusi, Pulido at ibang co-accused matapos maglanak ng piyansang tig P90,000 ay nananatili pa rin umanong aktibo ang kaso.

Dahil dito mga Ka Usapang HAUZ ay dapat sigurong makialam ang may akda ng budget ng DICT na si FPJ Party List Representative Brian Poe kung hindi niya alam ang usapin sa pagitan nina Usec. Pulido at Cusi.

Alam rin ng mga Ka Usapang HAUZ na hindi kunsintidor itong si Presidential Son House Majority Leader Zandro Marcos at kung may kinakaharap na mga kaso ang uupo sa isang sensitibong posisyon ay agad niya itong pinaiimbistigahan.

Sakaling hindi alam nila Rep. Poe at Majo. Marcos ay nais ipaalam.sa inyo ng mga Ka Usapang HAUZ ang kontrobersiyal na usapin sa namumuno ng DITC.

***

Para sa Inyong Puri at Puna maaaring mag-email sa cesarbarquilla2014@yahoo.com o mag text or tumawag sa 0935-2916036