Advertisers
TODAS ang isang kasapi ng Bureau of Fire Protection (BFP) na tulak ng droga nang manlaban sa anti-illegal drugs operation sa Southern Leyte, nitong Miyerkules.
Kinilala ang napatay na si Jody Daclan Magallanes, 40 anyos, miyembro ng Mahaplag Leyte Fire Station at residente ng Barangay Mahayahay, Sogod, Southern Leyte.
Sa report ng Southern Leyte Provincial Drug Enforcement Unit (SLPDEU), 11:00 ng umaga nang isagawa ang operasyon laban sa suspek sa Barangay Rizal, Sogod City.
Isinugod sa Sogod District Hospital si Magallanes pero namatay rin.