Advertisers

Advertisers

PROYEKTONG TUNAY NA KAILANGAN NG MGA TAGA BACO, NAIHATID NA NI CONG PANALIGAN

0 5

Advertisers

BACO, Oriental Mindoro – Naipatupad na ang mga proyektong direktang pakinabangan ng mamamayan ng Baco, bilang patunay ang pagpapasinaya at inagurasyon ng bagong dalawang palapag at apat na silid aralan na Julio R. Hernandez Integrated School sa Barangay Sta. Rosa I. na pinangunahan ni Oriental Mindoro First District Congressman Arnan C. Panaligan noong Hulyo 17, 2026.

Ang bagong pasilidad ay inaasahang magbibigay ng mas maayos, ligtas, at kumportableng kapaligiran para sa mga mag-aaral at guro ng paaralan.

Sa temang; “Opening New Doors to Quality Education”, binuksan ang bagong paaralan na naglalayong magbigay ng mas malawak at dekalidad na edukasyon sa mga mag-aaral ng Sta Rosa I at mga karatig Barangay nito.

Kasabay nito, binasbasan din ang bagong concrete road sa Sitio Arungyanan, isang proyektong magpapadali sa transportasyon ng mga residente sa pagdadala ng mga produktong pangkabuhayan na magpapalakas sa ugnayan ng mga komunidad.

Ipinakikita sa mga proyektong ito ang isang uri ng pamumuno na inuuna ang mga pangunahing pangangailangan ng mamamayan.

Sa halip na mga panandaliang proyekto, higit na binibigyang-halaga ng kongresista ang mga imprastrakturang nag-iiwan ng pangmatagalang benepisyo sa edukasyon, kabuhayan, at ang pang-araw-araw na pamumuhay ng mga taga Baco.

Patunay lamang na ang paglalaan ng pondo ay nakabatay sa aktuwal na pangangailangan ng mamamayan.

Ang pagpapalakas ng sektor ng edukasyon at pagpapabuti ng mga kalsada ay mga pamumuhunang magbubunga ng mas maraming oportunidad at mas magandang kinabukasan para sa mga susunod na henerasyon.

Ang patuloy na paghahatid ng mga ganitong proyekto ay lalong pinagtitibay ni Congressman Panaligan ang kanyang adhikain na ang bawat pondong pampubliko ay mailalaan sa mga programang may konkretong pakinabang at tunay na naglilingkod sa sambayanan. (RONALD BULA)