Advertisers
Ni JOVI LLOZA
NASILIP ng mga netizen kung bakit nabigo na masungkit ng ating pambato sa Miss Universe 2020 na si Rabiya Mateo ang korona
Dahil daw sa dalas ng paggamit nito ng social media at never nga raw ito nakatulong sa kandidata.
Sa socmed din kasi naba-bash si Rabiya kaya naman ang moral lesson ay ‘di naman naituro ng organization ng Miss U na huwag gumamit masyado gumamit ng socmed.
At dahil sa mga negative comments eh tila ito ay di nakatulong para magkaroon ng place sa Miss U ang Ilongga beauty.
Kasalukuyang nasa Amerika pa si Rabiya at tila magbabakasyon muna ito bago pa man umuwi ng Pinas.
July pa raw ang balik nito sa ating bansa.
May sitsit kasi na tila may plano ang magandang Ilongga na sumabak na rin sa showbiz.
Pero tatapusin daw muna nito ang kanyang reign bago pa sa mga desisyon na mag-enter na rin ito sa showbiz.
Ganun naman kadalasan ang mga beauty queen after lumaban ay showbiz ang kasasadlakan.
***
NOON akala ng netizens na may nagpapasaya na kay Kris Aquino at napagkamalan pa nga na baka nga raw magdyowa na sila ni Vice Gov. Mark Leviste.
Pero pinabulaanan naman ito ng pulitiko at itinanggi na may relasyon sila ni Kris at inamin na magkaibigan lang sila nito.
At isa pang pag-amin ng pulitiko na si Cristine Reyes daw ang type o kanyang crush.
Ipinahayag din ng politician na single na ang kanyang status ngayon.
Kaya naman tinukso ng netizens na ubra na maging magdyowa sila dahil single rin daw si Cristine.
Pero wala pa naman kumpirmasyon kung true na wala nang posibilidad sa balikan ni Cristine ang ex at ama ng anak na si Amara na si Ali Khatibi.
Crush lang naman daw ng politician ang sissy ni Ara Mina at wala itong nakikitang problema kung humanga man ito sa single mom na si Cristine.
Tahimik naman ang kampo ni Cristine regarding sa isyung hinahanap ito ng nasabing politician.
Well, well, well…’Yun na!