Jasmine pumalag nang pagkamalang ermat ni Ate Anne; Carla mag-aasikaso ng kasal habang nasa lock-in taping si Tom
Advertisers
Ni WALLY PERALTA
KAHIT pa may pandemya man o wala na ay tuloy na ang pagpapakasal nina Tom Rodriguez at Carla Abellana ngayong parating na Oktubre sa isang simbahan sa Tagaytay City.
Halos ilang buwan lang ang magiging preparasyon nina Tom at Carla para sa kanilang kasal. At ang matindi pa rito ay pumasok pa si Tom sa isang lock-in taping ng bago niyang ginagawang serye sa Kapuso Network, “The World Between Us” kasama sina Alden Richards, Jasmine Curtis-Smith, Dina Bonnevie, Glydel Mercado at Jaclyn Jose sa direksyon ni Dominic Zapata.
Hindi na nga naka-atras pa si Tom kahit malapit na siyang ikasal dahil sa planado na ang taping at pagsasa-ere ng naturang serye.
Ilang linggo rin ‘makukulong’ si Tom sa kanilang lock-in taping kaya si Carla muna ang magiging punong abala sa pag-aasikaso ng kasal nila. Sinisiguro naman ni Tom na kahit nasa work siya ay super safe ang kanyang kaligtasan at mahigpit na pinatutupad sa lock-in taping ang health protocol tulad na lang ng swab testing and days of quarantine before sumalang sa taping.
***
SANAY man sa mga bash sa kanya si Jasmine Curtis-Smith ay hindi naman inakala ng dalaga na may isang kakaibang super bash ang nabasa niya sa larawang ipinost sa kanyang social media account.
Ang naturang larawan na pinost ni Jasmine ay photo nilang mag-iina, si Jasmine kasama ang ina at ang ateng si Anne Curtis na sa ngayon ay inabot na halos ng 1.5 M views at libong comments.
Pero sa dami ng komento ay nakatawag pansin kay Jasmine ang isang netizen na nagtatanong ng: “Diba po anak nyo po si Ms Anne?”na tila ‘burn’ ang byuti ni Jasmine.
Hindi naman pinalagpas ito ni Jasmine, kinuha niya ang naturang komento at isinama sa caption ng isa pang post na ginawa na ang larawan niyang ginamit ay close-up shot niya na nakasimangot.
At sa naturang post, sa parehong social media platform pa rin ay nilagay ni Jasmine ang mga sumusunod na caption…“waaahh ten years akong mas bata sa kanya” “Kelan po?”
“bakit ako pa yung nanay.”
Sa ngayon ay nasa lock-in taping ang byuti ni Jasmine sa bago niyang teleserye sa GMA-7 na dalawa ang kanyang leading man sa katauhan nina Alden Richards at Tom Rodriguez, ang “The World Between Us’ at suportado ng mga de-kalidad na aktres tulad nina Jaclyn Jose, Glydel Mercado at Dina Bonnevie.