Advertisers

Advertisers

SB19 umalma sa akusasyong copycat

0 441

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

SA guesting ng SB19 sa “Brigada”sa GMA-7, binasa nila ang mean comments sa kanila ng  bashers.

May bashers na tinuligsa ang kanilang physical appearance at sinabing feeling guwapo raw naman ang mga ito pero wala itong panama sa kilalang boy band tulad ng BTS at iba pa.



Hirit din ng ilang detractors, wala raw silang originality pagdating sa kanilang estilo at maging sa awitin.

Paglilinaw naman ng lider nilang si Pablo, hindi raw siya nanggagaya dahil may sarili silang style, bagama’t hindi nila ikinakaila na na-inspire sila sa success ng ibang internationally acclaimed boy bands tulad ng K-pop band na BTS.



Sey naman ng SB19 member na si Josh, hindi raw puwedeng ikumpara sa K-pop boy bands ang kanilang fashion style at maging ang kanilang songs dahil may sarili raw itong kakanyahan.

“Hindi po Korea ang ginagaya namin, sariling style lang po namin lahat, pati po pananamit, lahat po ‘yan. Pati pagsulat ng kanta hindi lang po siya naka-Korean”, aniya.



Wala raw naman silang nakikitang masama kung sakali maging inspirasyon nila ang ilan sa mga pinakamatagumpay na boy groups sa buong mundo.

“Lahat naman po ng tao sa buong mundo meron po tayong tinatawag na sense of universality. ‘Pag meron tayong bagay na nakikitang maganda, we take it and utilize it. Hindi naman po sinasabi na pangongopya or talagang kinukuha ‘yung sinasabi, kumbaga influenced po tayo ng lahat ng bagay sa buong mundo,” sey ni Pablo.

Speaking of SB19, nominado ang nasabing grupo sa Billboard Music Awards 2021.

Katunggali nila sa kategoryang top social artist ang BTS, Seventeen, Black Pink at si Ariana Grande sa naturang awards event na gaganapin sa Microsoft Theater sa Los Angeles sa Estados Unidos sa Mayo 23.

Ang SB19 ang natatanging Pinoy boy group na nominado sa BMMAs 2021.