Advertisers

Advertisers

Sharon feel tumira sa Tate habambuhay; Chynna at pamilya gusto na tumira sa probinsya para iwas-depresyon

0 216

Advertisers

Ni GERRY OCAMPO

GUSTO na raw manirahan ni Chynna Ortaleza sa province para  maiwasan nila ng mister na si Kean Cipriano ang anxiety attack na dala ng pandemic.

Dahil may dalawa na silang anak kaya super ingat nilang mag-asawa. Nandoong hindi na raw sila lumalabas ng bahay at tumatanggap ng trabaho.



Nakaramdam lang daw sila ng magandang pakiramdam nang makapag-beach sila at feeling nga raw ni Chynna ay na-recharge sila sa mga naramdamang stress.

Pero ilang araw lang nang sila ay makabalik ay muling nakaramdam ng takot si Chynna dahil nagkasakit ang kanyang uncle  na kinailangang   ma-intubate.



“Pagbalik ng Maynila, pagdating ko dito after five days, sinabi sa akin, my uncle  was gonna  be intubated. So boog! Bagsak  na naman. Parang anong nangyari? Bakit  mai-intubate?

“ Bumabalik na naman yung pakiramdam ko, hindi na naman ako makahinga. May mga ganito akong pakiramdam,” say ni Chynna.



Doon na raw nagpasya si Chynna kausapin si Kean kung puwedeng mangupahan muna sila ng simpleng bahay probinsiya na mas makakaramdam sila ng buong pamilya ng magandang pakiramdam habang may pandemya.

***

NAGSIMULA na ang first day lock-in taping ng The World Between Us  at nakita lang sa behind the scene ang photos na walang kuha ang cast. Ang makikita lang ay isang tree house pero hindi nabanggit kung kaninong character ang naturang tree house.

May larawan naman na lumabas na magkakasama sina Alden Richards, Tom Rodriguez at kanilang director na si Dominic  Zapata pero walang Jasmine Curtis-Smith sa larawan.

Samantalang  marami  ang  natuwa sa naging reaction ni Jasmine sa comment ng isang netizen na anak pala raw niya si Anne Curtis.

“Bakit  po ako pa ung Nanay,” sagot ni Jasmine na sinundan ng laughing emojis na patunay lang na hindi siya napikon.

Comment ng netizen dahil daw sa sobrang payat ni Jasmine kaya napagkamalan siyang nanay ni Anne. Pinayuhan pa ang younger sister ni Anne na kumain ng lechon, burger at iba pang nakakatabang pagkain.

Pero ang problema ay may sariling food preference si Jasmine at hindi siya kumakain ng mga binanggit sa kanya.

***

Friday katatawanan sa Bubble Gang

Kahit na anong panggagaya ay hindi pa rin matularan ang mga katatawanan o jokes na pinaghahandaan ng Bubble Gang barkada na napapanood every Friday at 10:12 pm sa GMA 7.

Ang layunin kasi ng BG barkada ay kung paano makapagdudulot ng kasiyahan sa kanilang followers at hindi para makipagpaligsahan sa katapat na programa.

Ayon kay Michael V, lahat sila ay may karapatan magbigay ng idea ng jokes na lalabas na kuwela. At kung sa tingin nila ay corny ang dating ay hindi nila ito gagawin.

Isa pa sa ikinaganda ng samahan ng Bubble Gang ay bawal sa kanila ang magligawan dahil isang pamilya ang kanilang turingan sa isa`t isa.

Kapag may problema ang isa ay lahat sila nagbibigay ng tulong para mabawasan kung anuman ang problema ng kasama at tuluyan makalimutan nito ang kinakaharap na suliranin sa buhay.

***

IBINAHAGI ni  Sharon Cuneta sa kanyang  latest  Instagram post kung ano ang buhay niya ngayon sa USA.

Aniya, dahil sa pandemic  ay may restriction pa rin doon, tulad ng pagsusuot pa rin ng mask ng mga tao. Pero  halos  normal  na raw ang buhay doon  at  nag-e-enjoy siya.

“My  gosh. Being  here makes  it  seem  like Covid  is a lot  further away  than it  ever  was. I love the weather  now (it`s cold) and aside from seeing  wearing  masks and not  being able to watch movies at cinemas, eating  at  restaurant  tables apart,  it  almost  feels  like life  is normal  again.. I  love being  “home”  here,” say ng Megastar sa kanyang IG followers.

Ayon pa kay Sharon puwede raw siyang manirahan sa Tate  habambuhay, pero ang kanyang husband na si Sen Kiko Pangilinan ay hindi  raw aalis sa PInas. Nakaplano na rin daw ang pag-aaral ng kanilang mga anak ni Senator Kiko sa US. Sinimulan na nga ni Frankie Pangilinan.

“Though, I  lived  in Boston  for  a year — and love  New  York, the West  Coast  has  always felt  like home to me  since I  was a little girl. I would  live here  forever.

“Kiko would NEVER  leave   the Philippines no matter  what  though, I could,  In a heartheat!  Sorry na long life is short.

“Kakie  will  continue her  studies  in New York this year, God willing Miel  will  probably follow  in  a  couple  of years. Though these two daughters of mine are just  as Nationalistic  as  their  father.

“My Miguel  however, want to live  here with me, KC  got  her green card  long before I did. Patay at iba iba kami! Ngek,” say ni Sharon.

Matatandaan last week umalis si Sharon papuntang Tate at doon na rin ito nagpabakuna laban sa Covid-19. Ayaw na siguro ng Megastar mapagbintangan pa siyang inuunahan pa ang mga kababayan natin mga senior citizen, mga frontliners atbp.

Pero teka, paano na ang mga project na nakatakdang gagawin ng Megastar, kung sakaling sa Tate na siya maninirahan habambuhay?