Advertisers

Advertisers

Kris mabilis na pinalitan ni Alex bilang endorser ng Shopee

0 586

Advertisers

Ni PETER S. LEDESMA

DATI noong kasagsagan ng career ni Kris Aquino sa telebisyon ay talagang pinag-aagawan siya sa endorsements.

At dahil very effective kapag si Kris ang nag-promote ng produkto ay majority ng contract niya sa mga advertising agency ay nare-renew talaga. Pero ngayong matagal na panahong walang programa sa mainstream television ay sa isang iglap ay nawawala na lang na parang bula ang ineendorso ng Queen of All Media.



Hayan at mabilis siyang napalitan ni Alex Gonzaga sa TVC nitong Shopee. Ang mukha ni Alex na ang bumalandra sa iba’t ibang network na nag-eendorse sa kanilang promo na  a kinse o 5.15.21.

And we heard talagang sold-out ang halos lahat na ibinentang mga produkto ng Shopee nung araw ng kanilang sale. Well, si Alex ay ilang beses nang pinatunayan na basta inendorso niya ay bumebenta talaga.



‘Yung lipstick nga ng Issy & Co. na pino-promote nito ay out-of-stock.

***



Talent Ni Direk Reyno Oposa Na Si Thania Pukutera Na  Media Influencer Mahusay Umarte

Matagal nang naikukuwento ni Direk Reyno Oposa sa inyong columnist na may talent siya sa Collabros Artists na gay media influencer na si Thania Pukutera, na mahusay umarte.

Hanggang sa isalang na nga ni Direk Reyno si Thania sa kanyang short film na “TARAS” na intended for Cinemalaya 2021. Nakausap namin si Thania sa set ng TARAS na galing pang Mindoro.

Nu’ng araw na ‘yun ay kukunan ang madugong eksena ni Thania with the lead actor of the movie na si Dennis Cruz, na brutal siyang papatayin nito na pagkakilala niya ay isang mabait at galante niyang customer sa panindang basahan. ‘Yun pala bait-baitan lang at murderer pala ito. Napanood namin ‘yung scene habang pinapasakan ng basahan sa bibig ni Dennis si Thania na pawisan  habang nagmamakaawa na huwag siyang patayin. Pero seryoso si Dennis at pinagsasaksak talaga nito si Thania hanggang sa mamatay.

For us ay pasadong maging lead o supporting gay actor si Thania. Yes, unang movie pa lang nito ang TARAS pero nagpakitang gilas na agad siya sa kanyang performance.

Kaya happy si Direk Reyno at naging smooth ang shooting nila ng TARAS dito sa Pinas last February dahil sa walang nagbigay ng sakit ng ulo sa kanya. Nang kumustahin namin kay Thania kung paano katrabaho si Direk Reyno,  the best daw itong director na sobrang supportive sa kanilang mga baguhan.

Saka relaks at hindi naninigaw ng artista ang said director.