Advertisers
Ni JOVI LLOZA
DATI nga raw ay todo bigay si Rhian Ramos sa kanyang lovelife at may nalilimutan ito habang nakikipagrelasyon.
Mahalaga pala yun at marami raw siyang natutuhan sa buhay nang mawalan ng bf.
Dati nga raw ay talagang walang paki si Rhian at ang importante ss kanya ay luma-lovelife siya. Nahanap na raw nito ang tunay na kahulugan ng kaligayahan.
At ito nga ang mahalin ang sarili na never nito nagawa noong baliw pa sa ngalan ng pag-ibig.
Nakaranas ng depresyon si Rhian nang maghiwalay sila ng kanyang bf dati at ‘di nito na matanggap na wala na sila.
Pero enjoy daw ngayon ang aktres sa pagiging single.
Pero kinontra naman ng mga host ng Wowowin na sina Wilie at Ai-Ai delas Alas nang mag-guest si Rhian.
At pinayuhan siya ng dalawa na kailangan din nito bumuo ng sariling pamilya para sa kanyang pagtanda.
Bata pa naman daw si Rhian at may darating din na Mr. Right sa aktres at pansamantala na pinahinga muna nito ang puso at binigyang pansin ang sarili para mahalin.
***
NUNG kasagsagan ang labanan sa Miss Universe 2020 ay tutok daw talaga si 2015 Miss U Pia Wurtzbach.
Pokus ito sa pakikipagtunggali ni Rabiya Mateo sa iba pang kandidata sa Miss U.
Kaya naman nakasubaybay si Pia sa laban ng Ilongga beauty na si Rabiya.
Pero umamin ito na nanginig ang buo niyang katawan nang hindi nga raw pumasok si Rabiya sa top 10.
Laking panghihinayang daw ni Pia at nakita nito na lumaban ang ating kandidata sa pagka-Miss U at desidido sa laban para maiuwi ang korona.
Hindi pa nga raw siguro destiny ni Rabiya na siya ang tanghalin na bagong Miss Universe.
Nabigo man na makasungkit si Rabiya ay proud pa rin si Pia sa pakikipagbakbakan ng ating kababayan para itayo ang bandera ng Pilipinas.
Well, well, well…’Yun na!