Advertisers

Advertisers

Maymay inamin, nagka-problema ang relasyon kay Edward

0 228

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

SA final episode ng online show na “Kwentong Barber”sa Kumu, naging panauhin ni Edward Barber ang kanyang love team partner na si Maymay Entrata.

Diretsahang tinanong ni Edward si Maymay Entrat kung mayroon pa raw bang chance.



Hindi naman malinaw kung ano ang tinutumbok ni Edward na chance sa kanyang tinatanong.

Nagkaroon naman ng sapantaha ang netizens na ang tinutukoy ni Maymay ay ang hindi nila pagkakaunawaan dahil sa pagkaka-link ni Edward sa isang non-showbiz girl na nakaapekto umano sa pagkakaibigan ng dalawa.



Dahil dito, marami ang nakapansin na hindi na sila ganoon ka-close tulad ng dati.

Pagkatapos mangyari ito, nagkaroon naman ng official statement ang Mayward na napagdesisyunan nilang magpokus muna sa kanilang mga karera.



Talking of the question of Edward, sinagot naman nito ni Maymay sa naturang show.

Ayon kay Maymay, mahirap nang ibalik ang tiwala kapag ito ay nasira na dahil sa pagkakamaling nagawa sa kanya .

Hindi naman ikinaila ng dalawa na may pinagdaanang pagsubok ang kanilang samahan noong nakaraang taon

“Sige magpakatotoo na tayo. Kagaya ng sinabi mo kanina yung mga pagkakamaling nagawa. Ang pinakamahirap kasi sa’kin kapag nasira na ‘yung tiwala. Ang hirap mabalik,” makahulugang sagot ni Maymay tungkol sa hinihinging chance ni Edward.

Gayunpaman, nilinaw naman ni Maymay na maaari pang maibalik ang pagiging komportable nila sa isa’t isa lalo pa’t magkasama silang pumasok sa industriya ng showbiz matapos ang PBB.

Diretsahan ding inamin ni Maymay na ayaw niyang paasahin si Edward na mayroon nang nagpapasaya sa kanya.

Tila inasahan naman ni Edward na maaring ibahin ang kontexto ng kanilang usapan kasunod ng pag-uusap nila ni Maymay.

“People will try to twist it or give their opinions, God bless you!,” hanash ni Edward.