Advertisers

Advertisers

Christian inamin, malaki ang utang na loob sa Dos; Sharon nagmakaawa sa mga mambatatas

0 250

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

NAGING emosyonal si Christian Bables sa Road to Finale performance niya bilang rapper Nicki Minaj sa singing impersonation show na Your Face Sounds Familiar noong Linggo.

Ayon kay Christian, sobrang grateful siya sa ABS-CBN sa pagbibigay sa kanila ng trabaho sa panahon ng pandemya.



“Gusto ko pong pasalamatan ang ABS-CBN dahil ‘di niyo po ako iniwan. Noong pandemic po, ‘di ko na po alam kung anong mangyayari sa akin. Kayo po ang nadehado, nawalan, pero kayo po ‘yung nagbibigay ng pag-asa para sa amin na mga artista. Sobrang laki ng utang na loob ko sa inyo. Maraming salamat po,” ani Christian.

Bumilib naman ang mga hurado sa kanyang naging impersonation ng nasabing musical artist.



Anila, ang edge ni Christian among other contestants ay ang pusong ibinibigay nito sa bawat performance.

Naantig naman ang Megastar na si Sharon Cuneta sa naging pahayag ng award-winning actor.



Nanawagan din si Sharon sa mga mambabatas na ibalik ang prangkisa ng ABS-CBN.

“Sana po, huwag niyo po kaming pagdamutan dahil pinagbubuti naman po ng buong istasyon namin na bigyan kayo ng mga serye, mga magandang quality na mga programa namin at mga show gaya nito [YFSF] na nagbibigay ng ligaya lalo na sa panahon ng pandemya. Para niyo na pong awa, ibalik niyo na ang prangkisa namin,” paliwanag ni Mega.

“Mga Kapamilya, sana’y sabay-sabay nating ipagdasal na ibalik na ang prangkisa ng ABS-CBN. Kasi po, marami man ang feeling nila, nadehado sila, my heart goes out to you, pero ang dami po sa amin na umaasa sa istasyon na ito, at marami pa pong natulungan ang istasyon na ito katulad ni Christian at lahat po kami dito,” dugtong niya.

Matatandaaang humigit-kumulang na isang taon na simula nang pagkaitan ng Kongreso ng prangkisa ang ABS-CBN.

Magmula noon ay napanood na ito sa free TV at kahit walang prangkisa, patuloy pa rin ito sa pagtupad ng kanilang misyon na maghatid ng liwanag, pag-ibig at aliw sa panahon ng pandemya.

Ang network ay kinilalala rin ng international award-giving bodies dahil sa Covid-19 response efforts nito.

Kamakailan lang, pinarangalan ito ng Silver Stevie Award para sa kategoryang Most Valuable Corporate Response mula sa prestihiyosong Asia-Pacific Stevie Awards.