Advertisers
ISABELA – Himas rehas ang isang dating miyembro ng Philippine Army at isang barangay kagawad matapos mada-kip sa entrapment operation sa kasong ‘Robbery Extortion’ sa isang kilalang fast food chain sa Barangay Rizal, Roxas, Isabela.
Sa ulat ni Police Major Rassel Tuliao, hepe ng Roxas Police Station, kay Colonel James Melad Cipriano, ang Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office, ang mga nada-kip ay nakilalang sina Daniel Garcia, 49 anyos, kagawad ng Barangay Villanueva, San Ma-nuel; at Jefferson Balurin, 32, dating sundalo at residente ng Bgy. San Francisco, San Manuel dito sa lalawigan.
Sa panayam kay Tuliao, sinabi niyang humingi ng tulong sa kanilang himpilan ang biktimang si Deslyn Llanes, 21, ng Barangay San Antonio, Roxas, anak ni Jometes Llanes na may-ari ng lupang pinag-aagawan kungsaan inireklamo nito sina Garcia at Balurin na hinuhuthutan sila ng P30,000 upang itigil ng mga ito ang pagbabakod sa naturang lupa. Nangako pa ang dalawa na ibibigay sa biktima ang titulong hawak nila kapalit ng nabanggit na halaga.
Napag-alaman na iniutos umano ng nagngangalang Romeo Llanes, isa sa mga nakikipag-agawan sa lupa at kapatid ng mga nagrereklamo, ang pagpapatayo ng bahay at pagbakod.
Dahil dito, agad ikinasa ang entrapment operation ng pinagsanib na pwersa ng Roxas Police Station, Isabela Police Provincial Office ng Provincial Intelligence Unit, na nagresulta ng pagkahuli kina Garcia at Ba-lurin.
Nahaharap sa kasong ‘robbery extortion’ ang dalawa na ngayo’y nasa kustodiya ng pulisya. (Rey Velasco)