Advertisers

Advertisers

6 MPD POLICE SIBAK SA HOLDAP SA MAKATI

0 21

Advertisers

NAGSASAGAWA na ng parallel investigation ang Manila Police District (MPD) kaugnay sa pagkakaaresto ng anim na personnel nito na nakatalaga sa Malate Police Station 9.
Kabilang sa mga suspek ang isang Staff Sergeant (PSSg) at limang Patrolman na pawang nakatalaga sa Malate Police Station 9 ng MPD.
Kinilala ang anim na naaresto sa alias SSgt Mark Louie, Pat. Marcial, Pat. Edernor, Pat. Mark Allen, Pat. Aeron Paul at Pat. John na pawang nakatalaga sa MPD Station 9-Malate.
Ang mga biktima ay nakilalang sina Raul Aragones, Rosemarie Baning at Manuel Acedo.
Inaresto ang naturang mga pulis-Maynila ng Makati Police sa pamamagitan ng hotline pursuit operation dahil sa umano’y pagkakasangkot sa holdapan.
Ayon kay MPD spokesperson at PIO chief Major Philippine Ines, ang isinasagawang parallel investigation ay upang malaman ang totoong nangyari.
Sa ulat, nangyari ang panghoholdap ng anim na Pulis-Maynila sa Arsonbel Street, Barangay San Isidro, Makati City, 7:48 ng gabi ng Enero 28.
Ayon sa mga biktima, nakatagpo nila ang dalawang babae sa Malate at dinala sila sa Arsonbel upang kunin ang mga gamit ng mga babae.
Pagdating sa lugar, biglang may grupo ng mga armadong lalaki na nagtuturo ng baril at pinadala ang mga biktima, itinali ang kanilang mga kamay at sapilitang kinuha ang kanilang mga gamit.
Matapos ang insidente, umalis ang mga pulis sakay ng kanilang mga motorsiklo.
Wala pang ibang detalye o pahayag na inilalabas ang pamunuan ng MPD kaugnay sa pagkakasangkot at pag-aresto sa kanilang mga tauhan.
Sinibak na sa pwesto ang anim na pulis na pawang nakatalaga sa Station Drug Enforcement Unit.
Kaalinsabay nito, inalis narin sa puwesto ni Major General Anthony Aberin, Regional Director National Capital Region Police Office (NCRPO), ang MPD Station 9 chief at lahat ng tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (DEU) habang isinasagawa ang imbestigasyon.
Inaalam narin ni Aberin kung sangkot ang 6 nasabing mga pulis sa mga nagaganap na holdapan sa area ng Southern Metro Manila.
Ayon kay Aberin, sinampahan na ang anim na pulis ng kasong kriminal, habang inihahanda ang kasong administratibo.
(Jocelyn Domenden)/Mark Obleada)