Advertisers

Advertisers

PBA OPENING, BALIK-NCR?

0 252

Advertisers

SA pagbaba ng pandemic situation sa National Capital Region (NCR) para maging General Community Quarantine (GCQ), namumuro na magbalik-NCR ang PBA Season 46. Posible na nga ba ang excitingly awaited opening na ilang ulit nang postponed mula April 9, 11,18? Dati sanang plano ang pagbubukas nito sa YNARES Center sa Antipolo pero nabago nang biglang magreport ang RIZAL ng high Covid cases record.

Pinag-uusapan ng PBA management headed by Commissioner WILLY MARCIAL ang plano para sa Maynila na makapagpraktis ang teams. Kailangan lang nilang makapag-submit ng permit at kung sakali, balik-Maynila na ang activities para naman kasama na ang opening.

So exciting po talaga para abangan ang pagbungad ulit ng solo pro league ng bansa bilang pinakapopular na libangan lalo ngayong panahon pa rin ng pandemya. Maraming pagbabago ang aabangan dahil bagong bihis ang mga koponan. Bukod sa dumarami ang nasa retiring list, dagsa ang bagong batch ng rookies partikular ang traded players at mga hugot sa 2021 PBA Draft. Keep watching!



PINGRIS SIGNING OFF

PARA sa followers ni PUREFOODS power forward MARC JEAN PINGRIS aka “Pinoy SAKURAGI”, tutuldukan na ng kanilang idolo ang professional career bilang veteran o starplayer sa solo pro league na PHILIPPINE BASKETBALL ASSOCIATION (PBA). Produkto ng 2004 PBA ROOKIE DRAFT Rookie Draft, mula sa pagiging isang Batang palengke, makulay ang naging karera ng isa sa Big Men ng Pinoy Basketball.

Umabot din sa 16 years ang buhay-PBA ni PINGRIS. Aminado ito, maraming natutunan kay Coach TIM CONE . Siya ang nagpaunawa na “Sports is more than a game” at naisapuso naman ito ng starcager para makapagsubi ng 9 championships, 2-time Finals Most Valuable Player (MVP), 15-time PBA All Star, PBA All Star Game MVP, PBA Most Improved Player, 3-time PBA Mythical Second Team, 3-time PBA Defensive Player, 8 time PBA All Defensive Team na naghatid sa kanya para makabilang sa 40 PBA GREATS list. Bilang National Team GILAS player, nakasungkit siya ng 1 gold medal at 3 silver medals.

Bilang betterhalf ni DANICA SOTTO, anak ni TV/Movie icon Bossing VIC SOTTO, hindi naman mag-aalala ang followers ni MARC PINGRIS sa next chapter na dinidesisyunan ng PBA icon. May mga negosyo itong maaasahan bukod sa suporta ng pamilya lalo na sa side ng SOTTO family na nakaalalay sa magandang samahan ng celebrity couple. Good luck!

CHEERS OF MAY



Happy birthday to MARVIN NIVIAR SANTOS OF Gen. Trias, Cavite, to ROLLY SANTOS of Bataan, MAY ROSE SANTOS ALEJO of AUPC, JOYLYN PENAFIEL of Taytay, Rizal, JO GREGORIO of Mandaluyong MultiPurposeCooperative and ALDEN DIRECTO of Novaliches. May you all be showered with the Lord’s blessings. HAPPY READING!