Advertisers

Advertisers

3 in 1 Moon

0 876

Advertisers

Ni NICK NANGIT

NITONG nakalipas na ika-26 ng Mayo ay naganap sabay-sabay ang Lunar Eclipse, Blood Moon, at Super Full Moon na nakita simula pasado alas-7 ng gabi sa Pilipinas at sa marami pang bansa sa buong mundo.

Malawak ang tinahak na landas nitong maituturing nating 3 in 1 Moon.



Ayon sa mga Mistiko, Feng Shui, at Astrolohiyang Silangan at Kanluran, hindi maganda ang dalang enerhiyang Yin nito. Ang tinatawag na Prana o Chi ay negatibo, marumi, at maligalig. Hindi ito maganda para sa tao, tahanan, o negosyo.

Dala ng Bilog na Buwan o Full Moon na nasa konstelasyong Sagittarius at nagkukubli sa anino ng planetang Earth ang lihim at pagiging malabo ng kaisipan at damdamin. Tila manghihina ang kalooban ng karamihan, lalo na ng mga zodiac signs na may elemento at tahanang apoy at hangin, at makikitil din ang kalayaan sa maraming bagay.



Pagkalipas nang gabing iyon hanggang sa pagbalik muli ng Bagong Buwan o New Moon sa Hunyo, hindi pa maghuhugis ang mga mabubuting mangyayari sa sarili at sa lipunan.

Kalauna’y mabubulgar at magliliwanag din ang mga ito, pero patapusin muna natin ang ikalawang MercuryRx ng taon na magsisimula muli sa ika-29 ng Mayo. Dala nito ang kaguluhan sa pag-unawa at sakuna.



Kaya’t hindi na maikukubli ang paghihiwalayan ng mga magkakarelasyon lalo na sa mundo ng showbiz at pulitika dahil lalabas ang tunay na ugali ng mga nanggagamit o nakikinabang lamang.

Hindi nakapagtatakang maaapektuhan ang mga buhay pag-ibig ng isang beauty queen at ng isang artistang gurang na.

Maging ang mga pamilyang inaakala ng iba na buo ay magwawatak watak din, dahil lalabas ang mga kalansay na itinatago at iniingatang huwag malaman ng publiko. Yung bumukod na sa kinamulatang pamilya ay magbabalik, dahil iiwan na nito ang kinasama at inakalang magtatagal sila sa kanilang pagsasarili. Magiging usapan ang nararanasang paghihirap nila.

Habaan lang ang pasensya dahil lalantad din ang nakatakdang malantad lalo na para sa hustisya o pakinabangan ng mga naagrabyado ng pananamantala dala ng SaturnRx na nauna ng maganap ngayong Mayo.

Mas makabubuting manatili na lamang sa loob ng kwarto, tahanan, o gusali kesa lumabas at lumanghap ng hangin o tanawin ang bumabalot na liwanag ng gabi ng 3 in 1 Moon.

Huwag pumirma ng mga kontrata o pumasok sa mga bagong proyekto, negosyo, o relasyon.

Huwag magpapaopera o dumaan sa ilalim ng patalim, maliban na lamang kung ito’y isang emergency na hindi maaaring ipagpaliban.

Iwasan ng mga buntis, bata, at matatanda ang mga kaganapan sa labas ng bahay, sa hardin, o sa kalsada.

Itago lang at huwag gamitin ang mga bagay na pang mahika o pang espiritwal na layunin.

Panahon ito ng pagtatanto sa mga mabubulgar o lalabas na katotohanan dala ng PlutoRx na nagsimula na rin at tatagal ng anim na buwan. Panahon ito ng pagmumuni-muni at pagdarasal.

Maglinis ng kalooban at pagkalipas nitong 3 in 1 Moon kinabukasan ay maligo ng may tarragon o asin. Balikan ang mga ritwal ng proteksyon at suotin ang mga kristal ng proteksyon.

Para sa mga karagdagang kaalaman pa tungkol sa saykismo at kababalaghan, mag Subscribe Watch Like at Share lang ng mga vlogs sa Nickstradamus channel ng YouTube!

Hanggang sa muli, Light Love and Life, Namaste!